SINGSING

16 0 0
                                    

SINGSING
(One Shot Story)
Wence Benteotso

Biglang nagring ang telepono ni Janna.
Sinagot niya ito at nagsalita si Alex sa kabilang linya.

“Janna, nasaan ka na?” Tanong ni Alex sa girlfriend niya nang sagutin nito ang kanyang tawag.
“Malapit na ako.” May iba pa sanang sasabihin si Alex kaso ibinaba na ni Janna ang tawag.

Hindi na ito pinansin ni Alex at kanya na lamang inayos ang lahat-
pagkain, inumin at redwine na kanilang pagsasaluhan. Sinigurado niya na lahat ng nakahain sa mesa ay ang mga paborito ni Janna.

Naka-ready na rin ang isang dosenang bulaklak sa kanilang lamesa na may kandila pa sa gitna.

“Perfect place.” Ang tangi niyang nasambit.

Nagalak siya nang dumating na ang kaniyang hinihintay. Ang babaeng kay tagal niyang hinintay. Napakaganda nito sa suot na pulang bestida na humahapit sa katawan nito habang suot ang di gaanong kataasan na sandalyas.

“Napakaganda mo ngayong gabi.” ang tanging nasambit ni Alex.
“Salamat” Matipid na sagot naman ni Janna.

Lumipas ang ilang sandali at tila nagpapakiramdaman lang sila kung sino ang unang magsasalita.

“Ganito siguro kapag matagal na di nagkita.” Wika ni Alex sa kanyang isipan.

“Kain na tayo.” Anyaya ni Alex upang mabasag lang ang katahimikan. “Heto, ipinaluto ko lahat nang paborito mo... pati dessert, hindi ko pinalampas.”

“Salamat, Alex.” Tanging tugon ni Janna.

Napansin ni Alex na tila mailap si Janna, subalit ipinagwalang bahala na lamang ito ni Alex, dahil may mas importanteng bagay ang dapat na mangyari ngayong gabi.

Humugot ng malalim na hininga si Alex saka siya tumayo upang lumapit kay Janna. Kinuha niya ang singsing sa kaniyang bulsa at lumuhod sa harapan ng kaniyang nobya.

“Janna, will you marry me?” Naluluhang sambit ni Alex.

Napangiti si Janna. Ngiti na tila hindi man lang umabot sa mga mata nito. “Ang tagal kong hinintay ang araw na ito, ang araw na sabihin mo ‘yan”

Kinuha ni Alex ang kamay ni Janna upang isuot ang singsing ngunit binawi ito ng dalaga.

“Alex, kay tagal kong hinintay ito, ngunit patawad. Hindi ko na ito matatanggap, nagkasala ako sa 'yo at kaya ako nandirito ay para humingi ng tawad.”

Naguguluhan si Alex sa mga naririnig mula kay Janna at para siyang binuhusan ng malamig na tubig sa mga sunod na sinabi ni Janna.

“Buntis ako, Alex... Patawarin mo ko pero ikakasal na ako sa ama ng dinadala ko."


ONE SHOT STORYTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon