Chapter 1: Jelaine DeTorre

5 0 0
                                    


"Ako....si....Jelaine Detorre..."

Unang salita na pumasok sa aking isip mula sa isang panaginip. Isang panaginip na parang totoo. Na parang lahat ay nangyari. Jelaine Detorre. Jelaine DeTorre. Sino kaba Jelaine DeTorre?

Pumasok ako sa paaralan na tila may kulang, tila may nagbago na parang lahat ay hindi na katulad nang dati. Jelaine DeTorre. Buong araw kong iniisip ang pangalang Jelaine DeTorre pero hindi ko talaga maalala kung sino kaba at bakit ka pumasok sa isip ko. Hapon na nang matapos ang aming klase at wala na akong masakyan pauwi sa amin kaya napagpasyahan kong maglakad nalang. Sanay naman akong maglakad dahil dumadalas na kasi ang pag-uwi ko nang hapon. Hayy buhay nga estudyante nga naman. Project dun, assigment di--

"Erik!!"

Isang sigaw na tila pamilyar sa aking pandinig. Lumingon ako. Pero wala, walang tao sa likuran ko. Kinikilabutan ako at napagisipan kong tumakbo nalang. Oo alam ko, medyo matakutin ako. Kahit ilang beses na akong dumadaan sa daang ito, hindi parin ako sanay maglakad mag-isa.

Napahinto ako sa harap nang isang bahay na tila wala nang buhay. Sa pagkaka-alam ko ay may mag-asawang nakatira dito na labis na nagdadalamhati dahil hindi makapagbigay nang anak ang asawa nito.

Hindi ko na namalayan na dumidilim na pala naisip kong bilisan kona ang paglalakad dahil alam kong paggagalitan na naman ako nang aking ina na may bitbit na pamalo, kapag hindi ako makauwi sa tamang oras.

Ayun nga tama nga ang hinala ko, "pwede na akong maging manghuhula", taas noo kong sinabi ko sa sarili ko. Pagdating ko sa amin ay nakita kong nakatayo aking ina sa may pinto na may dalang pamalo. Oo pamalo. 2017 na at hindi parin nawawala ang pamalo na aking ina -- isang mahabang tsinelas na pambahay.

"At saan ka naman nanggaling Ginoong Enrique Villalobos the third (III) ? Gabing-gabi na anong oras ba ang uwian nyo?"

"Magandang gabi rin ma"

"Anong maganda sa gabi ginoong Enrique, labing-pito kana hindi ka parin marunong umuwi sa tamang oras?! Na naku pag malaman ko lang talaga na nagdudrugs ka, ako talaga ang magtotokhang sayo. O kaya sumasali ka sa mga prat prat nayan. Na nakuu makakatikim ka talaga--"

"I love you din ma", sabay yakap at halik sa kanyang pisngi at dumiretso na kaagad sa aking kwarto.

Sa pagpasok ko ay dumiretso agad akong humiga sa aking kama.

"Haayy pagod na pagod na ako"

Hindi ko na namalayan na nakatulog na pala ako. Paggising ko ay naalala ko na may test pala kami sa first period, sa Chemistry, agad-agad kong kinuha ang aklat ko sa Chemistry at binuksan ang pahina 185. Nang may nahulog na papel mula nito. Pinulot ko ito mula sa sahig at binuksan ito. Laking gulat ko sa nakita at nabasa ko mula sa papel na ito.

"JELAINE DETORRE"

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Dec 05, 2017 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Down the Memory LaneTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon