Isang salita, apat na letra.
Isang salita pero nanggagaling sa nagagandahang mga mata.
Mga matang lumuluha.Lumuluha sa sakit , lungkot at galit. Sakit na di na malaman kung paano papawiin.
Lungot na di malaman kung paano papasanin.
At galit na di malaman kung paano pakakalmahin.Mga bagay at pangyayaring di na kayang pagtakpan pa.
Mga mata'y walang magawa kundi ang lumuha ng lumuha.Tubig ng luha at tubig ng pawis.
Magkaiba man ng pinanggalingan.
Magpareho naman ng pakiramdam.
Pakiramdam ng isang pagod na puso at pagod na nararamdaman.Sa bawat pagpatak ng aking mga luha.
Pakiramdam ay unti unting namamanhid na.Sa huling pagkakataon, ako'y iiyak. Iiyak na parang walang bukas.
Iiyak na parang ito na ang wakas.
Iiyak hanggang luha ay maubos.At sa pagtigil ng pagpatak ng aking luha.
Sisiguraduhin kong ito na ang huli ng aking pagiyak.
Pagiyak sa isang walang kwentang dahilan.