Act 5

230 17 0
                                    

Meeting at the party

ALTHEA's P.O.V


"Malayo pa ba tayo?" Naiinip na sabi ni Jan. Nakasakay kami ngayon sa aming mga kabayo at pegasus. Si Michael at ako ay naka pegasus at sina Brent at Jan naman ay kabayo.

"Freddy...lumipad ka nga." Tumango si Freddy. Tumakbo't tumalon si Freddy. Nakita ko na ang palasyo sa di kalayuan. "Malapit na tayo!" Nakita kong ngumiti sina Brent at pinatakbo ng mabilis ang kanilang mga kabayo. Sinamahan naman ako ni Michael sa itaas.

"Ang mga imbitasyon nyo?" May guardia na humarang sa amin. Binigay ni Jan ang amin mga imbitasyon. "Maari na po kayong pumasok." Nginitian ko ang guardia at nagpasalamat.

"Saan natin pagpapahingahin ang ating mga kabayo't pegasus?" Tanong ni Michael. Napatingin-tingin ako sa paligid at nakakita ako ng isang pwesto na may malaking espasyo.
"Dito!" Tinuro ko ang pwesto na katabi ng kalesa. "Sige" Tinali na nila ang kanilang kabayo at pegasus. May tiwala naman ako kay Freddy kaya hindi ko siya tinalian.

"Tara na?" Bigla akong nakaramdam ng kaba nang bumukas na ang pintuan. Napakaganda ng loob nito. Pawang gawa sa ginto ang lahat ng mga bagay dito. "Ang ganda." Nakangangang sabi ni Jan. "Oo nga." Sabi naman ni Brent.

"Dun tayo sa may pagkain." Sabi ni Michael. Binatukan naman ni Brent si Michael. "Wala munang kakain. Hindi pa bumababa ang prinsesa." Nang marinig ko ang salitang prinsesa, biglang lumakas ang tibok ng puso ko.

"Oh...Althea. Bakit ka nakatulala? Gutom ka na ba?" Natauhan ako nang iwagayway ni Jan ang kanyang kamay sa mukha ko. "H-hindi ah. Di ko lang maiwasang mamahangha dahil ang ganda sa loob." Nakita kong ngumiti si Jan. "Sabagay...ang ganda nga." Pagsang-ayon niya.

Third person's P.O.V
"Ang ganda mo Dorothy!" Ang sabi ni Jella. "Oo nga!" Iniharap ni Hannah si Dorothy sa salamin. Si Hannah nga pala ang nakakatandang kapatid ni Jella.
"Yung kwintas mo nga pala." Ibinigay ni Jella ang kwintas. "Salamat." Nakangiting sabi ni Dorothy.

Nang maisuot na ni Dorothy ang kwintas, ngumiti sina Jella at Hannah. "Ang ganda.." Pinagmasdan ni Dorothy ang kwintas na nasa leeg nya.
"Masaya kami na nagustuhan mo." Nakangiting sabi ni Hannah. "Salamat talaga." Niyakap ni Dorothy ang dalawa.

May kumatok sa pintuan at bumukas ito. "Kailangan nyo na pong lumabas, Princess Dorothy." Nakangiting sabi ng isang maid. "Sige. Mukhang kailangan ko nang bumaba. Maiwan ko na kayo ha." Ngumiti ang dalawang dalaga.

"Ipinapakilala ko nga pala ang aking kaisa-isang anak. Princess Dorothy Jane!" Nagsitinginan kaagad ang mga tao sa hagdanan na bababaan ng prinsesa at kasama na doon sina Althea.

Nanlaki ang mga mata ni Althea nang makita niya ang dalagang bumababa sa hagdanan. Kamukha nito ang babaeng nasa panaginip niya.

"Maligayang kaarawan!" Sumigaw ang mga tao. Tumingin si Dorothy sa kanyang ama. Ngumiti lang ang hari. "Sana'y maging masaya ka." Lumapit ang reyna at niyakap ang prinsesa. "Salamat po." Yumakap na rin ang hari.

"Ngayon ang ika-labing walong tanong gulang ng aking anak. Magpakasaya kayong lahat!" Naghiyawan ang mga tao at tumugtog na rin ang malumanay na musika. Ngumiti si Dorothy sa nakikita niya. Napakasaya ng mga tao at mukhang walang problema.

Pero may isang taong nakakuha nang kanyang tingin. Isang dalaga ang nakatayo sa may bintana. Berde ang mga mata at nakaberdeng damit. "B-Buhay k-kaya siya?" Tumingin ang reyna kay Dorothy. "Ano iyon anak?" Tanong nito. "W-wala po. Masaya lang po ako na nagsasaya lahat ng tao sa kaarawan ko." Nakangiti nitong sabi. Nakumbinse naman ang reyna at tumango.

Tumingin ulit ang prinsesa sa dalaga. Nagulat siya nang magtama ang tingin nilang dalawa. Biglang bumilis ang tibok ng mga puso. Di ma-ialis ang mga titig sa isa't isa.

Biglang may kumalabit sa prinsesa dahilan para maputol ang pagtititigan ng dalawa. Pagyuko ni Dorothy. Nakita niya ang isang bata. Nakangiti ito at binigyan siya ng bulaklak. "Maligayang kaarawan po." Ngumiti si Dorothy at hinalikan sa noo ang bata. "Salamat." Tinanggap na niya ang bulaklak.

Nagbigay galang ang bata bago umalis. Tumingin ulit su Dorothy sa kinakaroonan ng dalaga ngunit wala na ito sa kinakatayuan. Nagulat si Dorothy. Tumingin tingin siya sa paligid pero hindi parin niya ma-tyempohan ang babae.

"Maligayang kaarawan, Princess Dorothy." Lumingon si Dorothy sa kanyang kanan at nakita niya ang dalagang nakaberde. "U-uhm....S-Salamat." Na-uutal na sabi ni Dorothy. Napangiti naman si Althea dahil sa reaksyon nito.

Nagbigay galang si Althea at akmang aalis na sana nang biglang hawakan ng prinsesa ang kamay nito. "T-Teka lang--" Binitawan na niya ang kamay ni Althea. "Maari bang magtanong?" Ngumiti si Althea at tumango. "Sige." Napahimas himas si Dorothy sa kanyang buhok.

"Ah....wag ka sanang magulat sa tanong ko." Umiling naman si Althea. "Uhmm....nagkita na ba tayo?" Nanlaki ang mata ni Althea at napakiling. "Huh..b-baka nagkamali lang po kayo ng akala." Umiwas ng tingin si Dorothy at tumango. Napansin niya ang kwintas nito. Kamukhang kamukha nito ang kwintas ng dati niyang kalaro, na siyang nagligtas sa kanya.

"Sayawan na!" Sigaw ng hari. Tumugtog ang nakaka-indak na musika. Napatingin si Dorothy kay Althea na ngayon ay nakatingin sa mga taong nagsasayaw. Napansin ni Althea ang prinsesa na nakatitig sa kanya. "Princess?" Tumingin ito sa prinsesa na agad naman iniwas ang tingin kay Althea.

"Maaari ba kitang makasayaw?" Nakangiting sabi ni Althea. Nanlaki ang mga mata ni Dorothy at tumingin kay Althea. "S-Sigurado ka ba?" Tanong ni Dorothy. Tumango si Althea at lalong lumawak ang kanyang ngiti nang pumayag prinsesa.

Nang nagdikit ang kanilang mga daliri, pawang nakaramdam sila ng kiliti na lumibot sa kanilang katawan. "Tara sa gitna?" Nakangiting sabi ni Dorothy. Tumango naman si Althea at sinunod ang prinsesa.
Naglakad sila sa gitna at naki-sali sa sayawan.

Sa gitna ng napakasayang sayawan, may pumasok na mga lalaking may suot na salakot at armado. "Maligayang kaarawan prinsesa." May babaeng nagsalita.

"Kunin nyo na ang prinsesa." Hinawakan ng mga lalaki ang prinsesa. "B-bitawan nyo sya!" Walang kamalay-malay na sabi ni Althea. "Ah...gusto mo rin bang sumama? Ayos toh! Masmaraming pera." Biglang ngumiti ang babae. "Kuhanin nyo na iyan. Kailangan kong maka-usap ang hari."

Dinala na sina Althea sa isang kalesa. Nadaanan ni Althea si Freddy. Kinindatan niya si Freddy.  Tumango na lang ang pegasus at pilit na inaalis ang tali na nakatali sa kanya. Napangiti si Althea at alam niya na makakatakas sila. Kailangan niya lang makahanap ng tyempo.

The Princess and The SoldierTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon