Sa unang araw pa lamang ni Ella sa kaniyang trabaho sa Hendelson Empire ay inuulan na agad siya ng napakaraming gawain. Pero kahit na ganoon ay nagpapasalamat siya dahil malaking bagay ang trabahong ito para higit na makatulong sa pamilya. Isa pa'y napakalaking oportunidad na makapagtrabaho siya sa Hendelson Empire na kinikilala, di lamang sa buong Pilipinas at Asia, kundi pati na sa buong mundo dahil sa galing ng kompanya sa pagpapalago ng iba't ibang mga businesses. Kaya naman wala na siyang ibang mahihiling o hahanapin pa dahil maganda na ang pagkakataon na ipinagkaloob sa kaniya ng tadhana.
Busy at nakatoon ang atensyon niya sa pagbabasa nang mga office memo, daily routine, at schedule ng kaniyang boss na si Stefan Hendelson, ang ikalawang nakababatang lalake sa magkakapatid na Hendelson.
Medyo nangangapa pa siya sa mga dapat gawin dahil magkaiba ang industriya ng trabaho na pinasukan niya noon kumpara sa ngayon. Buti na lamang ay dalawang linggo din siyang nakapag-training sa tulong na din ni Erika, ang dating sekretarya at ngayo'y Fiancè ni Daniel Hendelson, na siya ring tumulong sa kaniya na makuha ang trabahong ito.
Habang abala sa pagtingin ng mga kung ano-anong dokumentong ay biglang narinig niya ang sintimyento ng isa sa mga ka-officemate niya sa bagong pinapasukang trabaho sa Hendelson Empire.
"Ang sabi kasi niya mahal niya ako, naniwala ako dun. Pero biglang malalaman ko, may iba na siyang babae! Nangako pa siya sa akin noon na magbabago na siya after ko siya mahuli dati. Pero anong ginawa niya? Niloko pa rin niya ako! Walanghiya talaga ang mga lalaking iyan! Mamatay na sana lahat ng playboy at masunog sa impiyerno ang mga kaluluwa nila!"
"Yes, girl. Amen to that." sambit na lang niya sa sarili habang tahimik na nakikikinig.
"Minahal ko siya. Sobra, alam mo naman yon, diba?"
"Oo, alam ko. Nakita ko gaano mo siya ka-love." Tugon ng kausap nito.
"Sa lahat ng naging boyfriend ko, siya ang totoong pinakaminahal ko. Ibinigay ko sa kanya lahat! Pero, ano, nang makuha na niya ang gusto niya sa iyo, iniwan na lang niya ako basta-basta! Bakit? Bakit ganoon?"
"Bakit kasi binigay mo lahat? Gaga ka naman din pala kasi. Mali yon." pabulong na pangaral ni Ella. Hindi niya mapigilan na magkomento sa pinakikinggang sintemyento ng nagkukwentong babae na nakilala niya bilang si Marjorie. Mabuti na lang at medyo malayo ang table nila sa isa't isa kahit hindi siya narinig nito. "Bakit ba ang rurupok ng mga babaeng to? Kailan kaya nila talaga maiisip na parang mga asong kalye ang mga lalake na titira lang tapos iiwan ka pag nakaraos na."
Hindi niya iyon sinasabi dahil lang bitter siya sa mundo. Talaga lang mayroon siyang pinaghuhugutan ng inis niya lalo na sa mga ganitong usapin na tungkol sa playboy o mga lalakeng manggagamit.
"Pero mahal ko pa din talaga siya. Hindi ko alam anong gagawin ko..." patuloy na pagdadrama ni Marjorie.
"What if, bigla siya mag-sorry sayo at sabihin na willing siya magbago para ayusin ang relasyon niyo?" tanong ng babaeng kausap nito na nakilala niya si Leila. "Tanggapin mo ba ulit siya? Makikipagbalikan ka ba?"
Sandaling katahimikan ang bumalot sa silid. Kaya naman mas lalong na-curious si Ella sa paghihintay kung ano ang isasagot ni Marjorie. Umaasa siya na sana ay pareho sila ng iniisip nito.
And then she gave out an answer. "Hindi ko alam. Sa totoo lang parang malabo na..."
Yes! Ganyan nga! Tama yan! Biglang napangiti si Ella nang marinig ang sagot ng babae. Nabuhayan siya ng pag-asa na hindi pala ito marupok tulad ng akala niya.
"Paano kung dumating siya dito mamaya tapos may dalang flowers at sinabi na mahal na mahal ka pa rin niya?" Patuloy na pag-uusisa ni Leila. Ito ang klase ng kaibigan na hindi mo alam kung sinusuportahan ka maka-move on o iniluluklok ka pabalik sa ex mo.
BINABASA MO ANG
One That Got Away (Playboy Series #4)
Romance(Tragic Romance) Trace is a rich young businessman and a well-known playboy. At hindi niya iyon itatanggi, in fact, nagagawa pa nga niya pagsabayin ang mga babaeng nilalandi niya. And Ella is just another innocent victim of Trace's game. Dahil ang...