"Lucas, Libre ka ba ngayon? Gusto sana kitang yayaing magkape .... Oo, Doon sa madalas nating puntahan.... Sige, Salamat." Iyon lamang ang pinag-usapan namin ni Lucas at binaba ko ang telepono at sinuksok sa bulsa ng suot kong diyaket.
My only hope.
Marahan kong pinikit ang mata ko at nilingon ang Ina kong nakahiga at nasa malubhang kalagayan.
Nandito ako sa St. Lukes Hospital, magdadalawang linggo na dahil sa biglaang atake ng sakit ni Mama noong nakaraang linggo. Madalas siyang atakihin ng highblood pero ito na yata ang pinaka-malala sa lahat. Dalawang araw nang hindi gumigising ang Mama kaya nag-aalala ako. Baka hindi na siya magising.
Tiyak, malaking bill din ang babayaran ko sa Hospital na 'to. Kung bakit ba naman kasi ang mahal ng Hospital bills.
Wala akong trabaho, noong nakaraan lang ay nagtanggalan ng empleyado ang pabrika na pinapasukan ko at isa ako sa natanggal, nagastos ko pa sa pagpapagawa ng bahay ang mga pera at wala akong naitira. Shit, kung bakit ba naman ngayon pa 'to nangyari?
Napagdesisyonan kong makipagkita kay Lucas, isang kababata. Gusto ko lang sanang humingi ng kaunting tulong sa kanya, dahil sobrang gipit na ako nitong mga nakaraang araw. Nahihiya man ako dahil alam kong may alitan ang mga magulang namin, siya lang sa ngayon ang kaya kong lapitan.
Marahan kong hinalikan ang noo ng aking Ina, bago lumabas ng kwarto niya. Ayokong makitang ganoon siya, walang malay at maraming kung anu-anong nakapasak sa katawan para makahinga. Lagi kong iniisip, sana ako na lang ang nasa kalagayan niya, sana ako na lang.
Naglakad ako patungo sa pinaka-malaking comfort room ng hospital para mag-ayos. Kahit papano, gusto ko rin namang magmukhang presentable sa harap ni Lucas, no?
Pagpasok ko, mabuti at walang kahit sinong tao. Alas-otso palang kasi ng umaga, kaunti pa lang ang bisita ng mga pasyente.
Ibinaba ko ang bag ko at matagal na tinitigan ang sariling repleksyon sa salamin. Hindi ko naman maiwasang mapabuga ng hangin.
"Hay, Beatrice Bartolome hindi ka na mukhang tao, Tignan mo 'yang nagkukumaway mong eye bags!" Mahinang pagalit ko sa sarili. "Nasaan na ang 'only-postive thoughts-girl' na babaeng minsan kong nakilala sayo?"
Nawala na nga yata ang masayahing Beatrice dahil sa sunod-sunod na problemang dumating sa akin. Mahinang sinampal-sampal ko ang sariling pisngi. Sinusubukang magising sa almost-hell na nangyayari sa akin. Kinuha ko ang pulbo sa bag at itinapal sa stress kong mukha, at naglagay na rin ng kaunting lipgloss sa labi.
xxxxxxx
MABILIS na nakarating ako sa Magdalene coffee shop, malapit lang kasi ito sa St. Lukes. Nakita ko naman agad ang VX-2 Vectrix na scooter ni Lucas sa parking lot, makita ko palang ang kulay pulang scooter na 'yan, alam ko na kung sino ang paparating. Hindi ko maiwasang mapangisi, hindi niya talaga maiwan-iwan ang isang 'yan.
Mabilis na naghanap ang mata ni Lucas nang marating ang pinto ng coffee shop, mabilis rin akong nahagip ng mata niya at maaliwalas ang mukha nitong binigyan ako ng ngiti. Alam na alam niya talaga ang paborito kong pwesto.
Agad itong lumakad papunta sa kinauupuan ko, sa dulo ng shop.
Mas gusto ko kasing nasa dulo, hindi mapansin ng mga taong dumadating.
"Hmm... So, Beatrice Bartolome, Mukhang nangangailangan ka ngayon ng kaibigan." pamungad nito sa akin. Humila ito ng isang upuan at doon umupo.
"Ano ba ang atin?"
"Hindi lang kaibigan ang kailangan ko ngayon, Mr. Lucas."
Nangisi ito, halatang iba ang iniisip. "So, dito ba talaga sa coffee shop na ito natin pag-uusapan ang bagay na 'yan?"