Chapter 24: Secrets

19 2 2
                                    

MELISSAH ENDRADA

"Hanggang kailan mong itatagong anak ka ng Mafia, at ikaw ang pakay ng mga kumidnap kay Duanne?"

Napapikit pa ako ng ilang beses, bago mag-sink in sa akin ang sinabi ni Maureen.

"A-ano bang sinasabi mo diyan?" Pigil kaba kong sagot.

" 'Wag mo nang ikaila pa. Ako si Maureen, at wala kang maitatago sa akin." Blanko ang kaniyang mukha nang sabihin sa akin iyon.

Tuluyan nang tumulo ang aking mga luha. Ang bigat-bigat ng loob ko, at alam kong walang ibang dapat sisihin sa nangyaring 'to, kundi ako.

"Shhh! 'Wag kang umiyak, Lisa. Naiintindihan kita. It's just that, bakit kailangan mo itago? Wala ka bang tiwala sa amin?" Niyakap ako ni Maureen at sumabay na rin siya sa aking pag-iyak.

"I'm sorry dahil tinago ko ito sa inyo. Natatakot lang ako na baka hindi niyo na ako tanggapin. Mafia is bad, kriminal sila, maski ako, hindi ko kayang tanggapin na konektado ako s kanila." Paliwanag ko kay Maureen.


Nang gabing 'yun, kinu-wento ko lahat kay Maureen. Mula sa simula ng pagkakakilala namin ni Daddy, Chestter, at Lohr.

Sinabi ko rin sa kaniya 'yung offer sa akin ni Daddy, at nanghingi ako sa kaniya ng advice.

"Hindi biro ang pagsali sa ganiyan, Lisa. Maraming maaapektuhan, at hindi mo alam ang magiging resulta. Nasa sa iyo pa rin kung ano ang magiging desisyon mo." Seryosong wika nito.

"I- I don't want to get involve, but I want to save Duanne." Napapikit ako nang maisip ko, kung ano na ang kalagayan ni Duanne.

"Mabuti pa, matulog na tayo. Bukas na lang 'yan," nang sabihin 'yun ni Maureen, ay agad na siyang humiga at pumilit.

Pumikit na rin ako, pero bago ako lamunin ng antok, narinig kong nagsalita si Maureen na ikinataas ng balahibo ko.

"Kung sakaling sasali ka sa Mafia, Lisa. I will join with you."







PAYBACKTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon