Chapter 5:Preparation

464 6 0
                                    

Monday..
August 21 na ngayon,at ng dumating yung second period ngayon,ay agad kami nitong pinaupo s kanya-kanya naming upuan,dahil may mahalaga daw itong sasabihin.

"Okay, kahit na sa first week pa ng October yung midterm niyo,iaanounce ko na yung importante na dapat niyong gawin."sabi ng teacher namin,which is teacher namin sa PE.

"Ano po ba yung iaanouce niyo?"tanong naman ng isa naming classmates

"It's about your performance,yun yung magiging basihan natin ,kung magtatake pa kayo ng first midterm exam o hindi na."sabi pa nito.

"Paano po yun?"tanong naman ni Maureen.

"Kapag maganda yung naging performance niyo,which is a 30 mins ,dance aerobic ..exempted na kayo sa PE na exam.And I will give you a high grades "pagpapaliwanag pa nito.

"Nako,edi mapapagod na naman pala tayo."bulong naman ni Maureen.Tumango naman ako bilang pag-sangayon.Ayz.Di rin biro yung 30 mins ..

"Oo nga.Baka atakihin tayo sa puso."natatawang sabi naman ni Rosielyn.

"Ma'am kailan po ba namin ipeperform ?"tanong pa ng isa naming kaklase.

"On the 3rd week of September."sabi nito,madami naman nagreact na baka daw hindi kayanin.Syempre ang hirap din bumuo ng steps ,lalo na sa sarili mo at walang kahit sinong magtuturo na professional talaga sa pag-sayaw .

"Kaya nga maaga ko na kayong in-imform ,para makapag-prepare na kayo."sabi pa ng teacher namin.

"Hayss,akala ko naman ipreprepare tayo sa mga heartbreaking moment ng buhay natin.."sabi naman ni Camille.

"Tumino ka na nga,puro ka ganyan."sabi ko namam dito.

"Haha.Wala naman na kasing konek,kung ano-ano pa pinagsasa sabi mo."natatawang sabi naman ni Rosielyn,di nagtagal nagsalita na ulit yung teacher namin.

"I will group you in 2 groups."sabi ng teacher namin at nagsimula na kaming mag count ..

Naghiwahiwalay pa nga kami ng upuan para baka sakali daw na maging magkakagroup kami.

But at the end si Maureen lang yung naiba ng group,where group 2 and 1 siya.Malas nga lang niya at naging kagroup niya yung laging nang-aasar sa kanya.25 kasi kada group.And alam niyo ba na kagroup ko si John..

Okay tutal,di ko naman masasabi na wala na talaga akong feeling sa kanya,yung tipong crush ko padin siya,but still the old level ,yung nandon padin yung kilig at saya ..

Kaya nga masaya ko ngayon kasi kagroup ko siya diba.Haha.

Ang naging leader namin ay si Klare..alam ko naman na responsable siya at magaling na leader.Kaya no problem naman kami dun.

"Hay naman,nahiwalay pa ako.Edi sana maeenjoy ko itong praktis at makapagbobonding tayo kung nasama ko sa inyo."sabi pa ni Maureen at nagpout.Ayz di kaya kapanipaniwala ..haha

"Kahit saan ka naman mapuntang group,mapapagod at mapapagod kadin."sabi ko naman.

"Haha.Ganyan mo ba ako kamahal.Jayciel ko?"nakangising tanong naman nito.

"Diba pwedeng di lang pinapahalata ni Jayciel na sobrang saya niya ,kasi di ka niya makakagroup?Haha"pang-aasar na sabi naman ni Camille dito.

"Pero sayang nga ano,nahiwalay ka pa?"sabi ni Rosielyn.

"Oo nga e.Tsaka magiging busy tayo tiyak diyan,kasi isipin mo 30 minutes ,di kaya madali yan."sabi ni Maureen at tumango naman kami bilang pagsang-ayon.

"Tsaka nalang tayo magbonding ,ay pumunta sa bahay bahay ng bawat isa sa ating apat ,pagnatapos na natin ito,kasi for sure isang buwan bali tayo nagprapraktis."sabi ni Camille,na mas sinang-ayunan naman namin.

Dreaming Mr.Hearthrob (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon