ANG AKING HULING TULA
ni Samuel Bathan de Ramos#TheFrustratedPoet
Hindi ko hiniling ang mahabang buhay sa ating Lumikha
Ang nais ko lamang ay makapag-bigay ng ngiti at tuwa
Sa pamamagitan ng mga nasulat na k'wento at tula
Makapagbahagi ng mumunting aral sa 'king mga likhaAng pasasalamat sa ating Maykapal, inuulit-ulit
'Pagkat naambunan ng kaunting alam itong aking isip
Ang hindi maghangad na husay na handog ay kanyang magamit
Kahambing ng araw na walang liwanag at 'di nag-iinitMi Ultimo Adios, sinulat ni Rizal - ang huli n'yang akda
Nais kong gayahin ngunit ang panahon ang s'yang magtatakda
Kung kaylan gagawin, kaylan isusulat ang huli kong tula
Ang pamamaalam sa lapis at papel at sa ating madlaAng aking layunin ay hindi magtaglay ng mahabang buhay
Kun'di mapagyaman sandaling panahon na sa ati'y bigay
Gumawa ng mga bagay na sa iba ay may pakinabang
Upang may maiwan na gintong pamana, tayo ma'y pumanawAng huli kong tula ay hindi pa ito at hindi pa ngayon
Ngunit titiyaking inyong mababasa sa takdang panahon
Simula pa lamang ng aking pagtupad sa pangakong misyon
Makapagpasaya, magbigay ng gabay, maging inspirasyon.Larawan ni:
Leandro de Ramos Jr.
Lloyd Andrew de RamosPara sa iba ko pang mga tula, pasyalan po ninyo ang aking page:
www.facebook.com/thefrustratedpoet
BINABASA MO ANG
ANG AKING HULING TULA
PoetryDarating ang panahon na kakailanganin na nating bumitaw at magpaalam sa lapis at papel na naging matagal nating kasintahan at kaagapay.