IKATATLOMPU'T DALAWANG KAPITULO
"Bakla ka naman eh."
"Tama na! Nakakasakit na 'yong mga sinasabi niyo ah!"
"Bakla, bakla, bakla!"
"Tumigil kayo!"
"AAAAAH!"
"ANGELO!" sigaw ng guro nila nang pumasok ito sa kanilang silid-aralan. Nanlaki ang mga mata nito nang makita ang cutter na hawak ni Angelo na balak pa yata niyang isaksak sa kaklase. "Bitawan mo 'yan!"
Gulat na napatingin si Angelo sa hawak niya at sa kanyang kaklase na kanina pa nang-aasar sa kanya. Napalunok siya at agad na binitawan ang hawak na cutter.
"M-ma'am, h-hindi ko po sinasadya-" naputol ang sasabihin ni Angelo nang hilahin siya ng kanyang guro palabas ng silid.
***
"Ang pangit mo, alam mo 'yon?"
"Oy grabe ka naman! Hahaha!"
"Hindi ako nagpapatawa o nagbibiro kaya 'wag kang tumawa. Tss. Hindi ko alam na kaya pa lang gumawa ng Dios ng isang taong kasing pangit mo."
"Maka-pangit 'to! Tingin mo maganda ka?"
"Aba, lumalaban ka ah!"
"A-aray!" daing ni Diomel na napaupo sa sahig matapos itulak ng kaklase. "Ano bang problema mo?!" sigaw nito.
"Ikaw. Ang pangit mo kasi. 'Wag ka lalapit sa'min ha. Baka mahawa kami sa'yo. You will never fit jn."
Iniwan nitong maluha-luha si Diomel. Napakuyom siya ng kamao sa sobrang galit.
***
"Julius, magpatawa ka pa nga!"
"Ayoko na. Pagod na ako. Kanina pa ako nagbibiro dito."
"Ano ba 'yan! Tsk. Guys, tara na nga! Iwan na natin 'to!"
Umalis ang mga kasama ni Julius at naiwan siyang mag-isa. Napabuntong hininga siya.
"Oh, mag-isa ka na? Asan na 'yong mga kaibigan mo na ginagawa ka lang clown? Tsk. Bobo."
Inirapan siya ng kaklase niyang napadaan sa harap niya bago siya iwan.
"Clown?"
***
Nakarinig ng ingay ang mga natitirang Perlas sa kabilang side ng pinto kaya naghanda sila para atakihin ang sinomang papasok dito.
"Good luck, guys." bulong ni Cricel.
Bumukas ang pinto at pumasok mula doon si Julius. Nanlalaki ang mga mata nito nang makitang hindi na nakagapos ang mga kaklase na ngayon ay may mga hawak na matatalim na bagay.
Bago pa maisigaw ang mga pangalan ng kanyang mga kakampi, agad na sinugod siya ng mga kaklaseng desperadong makatakas mula sa kamay ng mga killers.
"H-hindi niyo ako mapapatay! Hindi niyo kayang pumatay!" may kumpyansang daing ni Julius habang iwinawasiwas ang dalang kutsilyo dahilan para hindi siya malapitan ng mga kaklase.
"Kaya namin!" galit na sigaw ni Lyndon na naging dahilan para maging desidido ang iba.
"Julius, tigilan niyo na 'to! Tumigil na kayo sa pagpatay! Hayaan niyo na kami!" sigaw ni Christian Oliver na hangga't maaari ay ayaw makapanakit o mapunta sa patayan ang lahat.
Galit na sinugod ito ni Julius. "Hindi! Wala kang alam! Papatayin ko kayong lahat! At mauuna ka!"
"Christian!"
Pinigilan ni Christian Oliver ang kamay ni Julius na may hawak na kutsilyo na sasaksak sana sa leeg nito.
"Tumigil... na... kayo!" nahihirapang bulalas ni Christian Oliver habang patuloy pa rin sa pakikipag-agawan ng kutsilyo kay Julius.
"Hindi ako titigil hangga't hindi kayo namamatay lahat!" gigil na gigil na sabi nito. Hinawakan niya ang kaliwang braso ni Christian Oliver at pilit na tinutulak ito para mawalan ng balanse ang kalaban.
Ang mga kaklase nila ay binalot ng takot. Hindi nila alam ang gagawin sa sitwasyong ito. Nangangamba sila na may mamatay sa dalawa.
Pero may isang kaklase sila na desidido sa kanyang gagawin.
"Mamatay ka nang hayop ka!"
Napatingin ang lahat sa malakas na sigaw ni Lyndon habang tumatakbo ito sa direksyon nila Julius. Dahil dito ay na-distract si Christian Oliver.
"Ah!" Naagaw ni Julius kay Christian Oliver ang kutsilyo at nasugatan nito ang braso ng kalaban. Napasigaw si Christian Oliver sa sakit dahil sa hiwang natamo nito.
Bago pa masaksak ni Julius si Christian Oliver na napaupo sa sakit, biglang umulan ng dugo sa pwesto ni Christian Oliver.
Gulat na napatingin ang lahat kay Julius... at sa taong nasa likod nito na si Lyndon na siyang sumaksak kay Julius gamit ang isang malaking gunting.
Napabuga ng dugo si Julius. Gulat ang rumehistro sa kanyang mukha. Nakatingin lang ito kay Christian Oliver na hindi rin makapaniwala sa kanyang nakita.
"G-gusto... k-ko lang... namang... mag... higanti..." ang huling wika nito bago tumumba at mawalan ng buhay.
Matapos iyon, ang lahat, maliban kay Christian Oliver na hindi pa rin makapaniwalang nakatingin sa patay na si Julius, ay napatingin kay Lyndon na nanginginig at nakatingin sa kanyang mga kamay na may bakas ng dugo ng pinatay niyang kaklase.
"L-Lyndon..."
Nanlalaki ang mga mata ni Lyndon habang tinitignan ang mga kamay niya at ang patay na si Julius. Hindi siya makapaniwalang dahil sa sobrang takot niyang siya ang mapatay ay nakapatay siya mismo.
"H-hindi... P-pinatay ko siya... Pinatay ko... A-ako..." nanginginig na sabi ni Lyndon. Inangat niya ang kanyang tingin at napatingin sa mga kaklase niyang binalot ng takot ang mga mata. "H-hindi ko siya pinatay, 'di ba? H-hindi pa siya patay... 'Di ba? Hindi pa siya patay?!"
Lumuhod siya sa tabi ng naliligo sa dugo na katawan ni Julius. Natatawang umiling si Lyndon at tinapik ang balikat ni Julius. "H-hoy, hindi ka pa patay, 'di ba? Hahaha! Julius, 'wag ka ngang magbiro! Hindi ka pa patay... Julius! Bumangon ka dyan!" Ang tawa ni Lyndon ay unti-unting napalitan ng paghikbi. "Julius... gumising ka!"
"P're, tama na... Patay na si Julius. Pinatay mo siya." malungkot na sabi ni JM.
"H-hindi... Mali ka, JM. H-hindi ko 'yon sinasadya. H-hindi..." umiiling-iling na pagtanggi ni Lyndon na tila nawawala na sa sarili. "Julius!"
"Lyndon..."
+++
Ilang chapters na lang. :) Any thoughts about this chap? Comment kayo para mainspire ako hihi.
BINABASA MO ANG
MANSION 49 (2016)
Mystery / ThrillerUNDER MAJOR REVISION Normal na mga estudyante lamang sila mula sa section ng Perlas na nagbalak na magsama-sama upang magsaya. Ngunit sa kalaunan ng kanilang pananatili sa isang mansyon sa kakahuyan ay unti-unti ang pagsaksi nila sa mga 'di pangkara...