Chapter
11
Magaling na si Julia at pinayagan na siya ng doktor na lumabas ng ospital. Alas otso na ng umaga noon.
“Next time be careful on what you eat and drink Ms. Selgado.” payo ng doktor. “Mabuti na lang at naagapan natin yung pagkalason at hindi gaanong kumalat.”
“May balita na po ba sa kung anong nangyari? Sinong naglason?” singit ni Quen.
“I am a doctor and not an investigator. Labas na ko sa issue na yan. Now if you can excuse me may iba pa kong pasyente.” sagot ng doktor.
Lumabas na ang doktor sa kwarto ni Julia.
Medyo matamlay pa din si Julia at hindi pa gaanong mabuti ang pakiramdam.
“Julia ok ka na ba?” tanong ni Quen.
“Ok na ko.” pilit na sagot ni Julia.
“Sigurado ka? Nag-text pala yung mama mo sabi niya mamamalengke pa daw siya kaya hindi na siya makadaan sa ospital.” bigay-alam ni Quen.
“Hindi na ko dadaan ng bahay. Dumiretso na tayo sa resto, nasayang na ang isang araw natin. Dalawang linggo lang ang binigay sa tin.” sabi ni Julia.
“Julia ano ka ba. Magpahinga ka ng saglit sa bahay niyo. Maligo ka.” laban ni Quen.
Hindi sumagot si Julia na tila hindi siya payag sa sinabi ni Quen.
“Ganito na lang. Mauuna na ko sa restaurant. Magi-imbestiga na ko don tapos ikaw umuwi ka muna sa inyo.” mungkahi ni Quen.
“Sige.” sang-ayon ni Julia.
“Teka eh pano ka pala. Hindi ka naman pwedeng mag-isa umuwi.” alala ni Quen.
“Ako na ang sasama sa kanya pauwi.” boluntaryo ni Daniel na nasa likod nila.
Kumunot ang kilay ni Quen na tila hindi siya pumapayag.
“Teka Daniel male-late ka na pag sinabayan mo pa ko. Sayang yon bawas sa sweldo mo.” samo ni Julia.
“Ok lang yon. Hindi naman kasi ako magaling sa mga detective na ganyan. Eh di ako na lang ang maghahatid sa yo pauwi tapos sabay na rin tayong pumunta sa resto.” pilit ni Daniel.
“Sigurado ka ha? Oh sige.” sabi ni Julia.
Lumabas na sila sa ospital. “Oh Julia mag-ingat ka ha. See you later.” paalam ni Quen.
Tumawag na ng tricycle sila Daniel at agad nang sumakay.
“It’s been a long time since sumakay tayo ng tricycle na tayong dalawa lang.” banggit ni Daniel.
“Oo nga eh.” samo ni Julia.
“Tsaka malayo na din sa boyfriend mo.” sabi ni Daniel.
“Boyfriend? Ano bang pinagsasabi mo. Wala na kong boyfriend no.” giit ni Julia.
“Si Quen hindi mo ba boyfriend yon? Kung makapang-angkin sa yo daig pa ang asawa.” argumento ni Daniel.
“Ano ba ilang beses kong sasabihin sa yo na best friend ko lang yon si Quen. Close lang talaga kami non.” tanggi ni Julia.
“Isang taon pa lang best friend na? Samantalang tayo apat na taon magkasama ni hindi mo nga na-claim na best friend mo.” tampo ni Daniel.
“Best friend din naman kita. Hindi mo kasi naiintindihan tinulungan ako ni Quen na hanapin yung pumatay kay Sophia. Basta mahabang kwento.” saad ni Julia.
BINABASA MO ANG
Case Closed: A Recipe For Disaster
Mystery / ThrillerJulia and Quen team up once again to investigate the murder of a famous restaurateur. Makuha kaya nila ang tamang timpla at panglasa sa misteryong ito?