Touch Move
Regrets, tuwing naririnig ko ang salitang yan ay naalala kita. Ang mapupungay mong mata habang hinihiling mo sa akin na patawarin ka. Bakit nga ba nagmatigas ako at hindi kita agad pinatawad? Simpleng bagay lang naman ang pinag-awayan natin pero umabot sa ganito.
Kapag naiisip ko na isang pirasong pawn sa paborito mong chessboard ang naging sanhi ng ating away ay gusto ko kamuhian ang aking sarili. Ang tanga-tanga ko. Ako naman ang may kasalanan diba? Nawala ko iyon at dahil yun ang nag-iisang remembrance sayo ng tatay mong namayapa na at dahil na rin sa ilang gabi kang hindi ka nakakatulog dahil sa tambak nating requirements ay napagsalitaan mo ako ng masama.
"Hinding-hindi mo ako maiintindihan dahil wala ka namang tatay. Isa kang bastarda."
Nasaktan ako sa mga sinabi mo, dinamdam ko ito dahil di ko akalain na sa lahat ng tao sayo ko pa maririnig ang mga salitang iyon. Masakit, dahil akala ko tanggap mo kung ano ako. Nag-expect kasi ako na kung may magsasabi man sa akin ng mga iyan ay ikaw ang magtatanggol sa akin.
Alam mo kasi kung gaano ako kainggit sa mga tao na kilala nila ang ama nila at hindi kwento na pa-iba-iba ang sinasabi ng kanilang nanay tuwing tatanungin nila. You know how vulnerable I am pagdating sa issue na yan at hindi ko ineexpect na ikaw ang magpapalalim lalo sa sugat ko na simula pa noong pagkabata ko natamo. Totoo nga ang sabi nila na expectation hurts.
Nakita ko ang pagkabigla sa mukha mo na para bang hindi mo sinasadya ang sinabi mo. Namutla ka nung napagtanto mo na huli na para bawiin ang lahat. Agad kang nagsorry pero nasaktan na ako. Hindi kita kinibo at umalis na lang nang umiiyak.
Pinuno mo ng texts at missed calls ang cellphone ko, kahit sa landline ay tumatawag ka. Bumisita ka sa bahay dala ang paborito kong puting rosas kasama ang isang puti ding asong shih tsu na matagal ko ng hinihiling sayo. Humingi ka ulit ng tawad pero nagmatigas ako. Sinabi ko pa sayo na magcool-off na muna tayo.
Hindi ka pumayag, alam mo kasi ang cool-off para sa akin ay parang break na rin. Nabalitaan ko na naglalasing ka tuwing gabi. Nag-aalala ako para sayo pero hindi kita malapitan dahil sa pesteng sugat ng mga sinabi mo na hanggang ngayon na iniinda ko pa.
Nagpalipas ako ng ilan pang linggo na hindi ka kinakausap at nakikibalita lang sa mga kaibigan mo. Hinayaan kong maghilom ang sugat ko ng paunti-unti hanggang dumating ang araw na kaya ko na magpatawad.
Ngayon nandito ako sa simbahan na pinangako mo sa akin. Sabi mo dito tayo magpapakasal dahil dito rin nagpakasal ang mga magulang mo. Napacorny man sa ibang tao, sentimental daw, ang bading daw tignan pero para sa akin ang romantic. Yun nga siguro ang rason kung bakit nahulog ako sayo dahil isa kang hopeless romantic.
Akalain mong natutupad na nga ang pangarap mo. Ikakasal ka na sa mismong simbahan na ito. Nag-aantay ka sa may altar habang katabi mo ang iyong matalik na kaibigan. Ako naman ay naglalakad rin sa puting carpet na napapalibutan ng mga puting rosas katulad ng pangako mo sa akin. Tumingin ako sayo na kanina pa pala nakatingin sa akin bumaba ang iyong tingin sa suot kong gown na puti saka ka ngumiti.
Isa-isang nagflashback sa akin ang mga memories nating dalawa.
"Mahal mo ba ako?" Tanong mo sa akin. Hindi ko alam kung bakit kelangan mo pa tanungin sakin yan araw-araw kung alam mo naman ang isasagot ko.
"Hindi."
"Sinungaling. Mahal mo kaya ako." Sabay halik mo sa akin sa pisngi ko, niyakap naman kita ng mahigpit. Para sa akin ay hindi ko na kelangan sabihin na mahal kita, alam mo naman yun dahil pinaparamdam ko naman sayo.
...
"Babe." Bulong mo sa tenga ko habang busy ako mag-aral sa Intro to Law ko na subject.
BINABASA MO ANG
Touch Move
RomanceAng desisyon nga kaya ay parang rules sa isang chess. Touch move, wala ng bawian?