7
Araaaay! Shit. Napahawak ako sa ulo ko at gumulong gulong sa kama. Anong oras na ba? Ang dami ko atang nainom kagabi.
“Aaaaah.” Ang sakit.
“Mas sasakit yan kung galaw ka ng galaw” tumingin ako sa pintuan at nakita ko si kuya.
“Shit! Ang sakit!” nakahawak parin ako sa ulo ko
“Oh” inabot ni kuya sakin yung hawak niyang inumin. Ininom ko yun kasabay nung binigay niyang pain reliever. Naghintay ako ng mga saglit at medyo umeepekto na.
“Pag okay na, lumabas ka na. kain na tayo” tumango lang ako, pagkalabas ni kuya kinuha ko yung phone ko at tinignan yung oras. 10:47 na. late na pala. Lumabas na ako at umupo sa harap ni kuya
“Ang dami namang pagkain kuya? Love mo talaga ako” sabi ko
“Tss. Di para sayo yan. May bisita ako ”sabi ko kuya
*dingdong dingdong*
Tumayo si kuya at binuksan yung pinto. Habang ako, eto. Kuha ng kuha ng pagkain. Nagugutom talaga ako eh.
“Kapatid mo pala yan.” Tumingin ako sa nagsalita at..sino ba to?
“Tss. Hahaha! Saglit lang ako nawala di mo na ko kilala.” Sabi niya
“Clark?” tanong ko. Kelan pa siya nakauwi?! Kala ko ba 2 months pa?
“Oo. Hahaha!” sabi niya
“Traffic tol.” May dumating nanaman na isa. Sure ako, si Eros to.
“Eros? Nandito ka rin?” napatingin siya sakin at ngumiti lang
“Ok ka na?” tanong niya
“Ha?” matagal naman na akong okay na.
“Slow ka parin. Sabi ko, wala ka ng hangover?” tanong niya
“Aaaaah. Medyo.” sabi ko at sumubo ng kanin.
“Pasok. Kain tayo” sabi ni kuya. Umupo yung kambal sa harap ko at nasa right ko si kuya. Habang kumakain kami, tinititigan ko yung kambal. Magkamukhang magkamukha sila. Pati buhok. Mas matangkad lang si Eros. Nagbabasketball kasi siya lagi. Si Clark naman, ayun, nasa business daw nila.
“Musta business pare?” tanong ni kuya
“Ayun. Sakin pinamana ni papa.Dapat si Jano kaso ayaw niya. Magbabar nalang daw siya”
“Hahahaha! Di ah. Sabi ko tinatamad ako” sabi ni Eros
“Ano yung business niyo?” tanong ko kay Clark pero si Eros yung sumagot.
“Bakeshop. Ganun. Mga pastries”Eros
“Di ikaw tinatanong ko Eros” sabi ko
“Eros tawag mo sa kanya?” tanong ni Clark at humarap sa kapatid. “Pumayag kang Eros?” tumango si Eros at kumain ulit. Tss. Whatever. Puro lalaki kasama ko, ANG BORING.
“Kuya patext.” At binigay niya yung phone niya
“Sino itetext mo? Bat wala kang load?”
“Expired na load ko. Si Kisar lang.”
Tinext ko si Kisar.
To: Kisar
Akyat ka dito condo. Boring eh.
___
Fr: Kisar
Oh hi kuya! Hihihi. Sure!
BINABASA MO ANG
♥ Hater Ko Lover Ko ♥
RomanceIsang storya na nagsimula sa isang hater page. Ang buhay nila ay parang roller coaster, may ups, may downs pero masaya. Ang buhay nila ay parang intersecting lines, isang beses nagkita, pero hindi na muli magkikita. Gagawa kaya siya ng paraan para...