One day relationship[One-shot]

128 4 0
                                    

This story is based on my experience talaga. Chos!

**********

Love at first sight? Dah. Na-try ko na nyan. Nagka-crush nga ako sa kanya eh, expected na liligawan nya ako? Haha. Oo naman, pero hindi nagtagal nagka-one day relationship lang kami.

_

Ako pala si Jane Hye, isang kalahating koreana at kalahating pilipino pero lumaki akong dito sa pilipinas. Nakatira pala ako sa ***

at nag-aaral ako sa unibersidad na napakamurang school tuition pero laking PRIVATE ang eskwelahan namin.

Nandito ako sa bahay ngayon may exam ako mamayang alas 12:00 pa pero ngayon ay 9:43am nagbabasa lang naman ako sa wattpad entitled *****.

"Jane, bili ka muna ng suka doon kay manang ellen" sabi ni mama sa akin habang nagluluto sya ng paksiw.

"Opo mama, ilan po ba?"

"Dalawa lang nak, bilisan mong lumakad baka madissolve ang sabaw" Ay mama, agad-agad? Madidisolve?

"Opo mama" Mabilis lang akong lumakad, ayokong tumakbo noh baka madapa ako masira yung skin ko. Chos!

_

"Manang ellen, pabili ng suka dalawa lang po" tapos kumuha si manang ng suka sa may dulo yata kasi pumunta sya dun sa may dulo eh. Bakit ko nalaman? Eh, sumilip ako eh.

"Ito na iha" tumango nalang ako at nagpapasalamat.

Paglingon ko palang galing sa tindahan nakakakita kita agad akong badboy! Tsaka dug dug dug. Ano ba 'to? Ito ba yung sinabi nila na LAB AT PERS SYT? Bigla akong natauhan ng bigla syang napatingin sa akin tapos ngumiti sya sa akin O.O

Dug dug dug dug

May sira na ata yung puso ko, ano ba 'to?

_

"Mama, ito na po!?"

"BAKIT ANG TAGAL MO? MALAPIT NA MAUBOS YUNG SABAW OH!"

"Eh, inaaway ako ng pusa kanina eh!" pagdadahilan ko. Kung hindi lang yun sa shokoy na gwapong bad boy na yun hindi ako mape-pre occupied sa kanya.

"Ano? Ikaw'ng bata ka, wala ka talaga ibang ginagawa kung di magpapansin sa iba't ibang lalaki dyan. Ikaw ha? Baka may karelasyon ka na? Kung meron man, wag mong itago ipakilala mo sa akin para masapak ko yung lalaki kung saka-sakaling lolokohin ka nya hindi lang sapak ang maabot nya kundi PATAY" Habang pinagpatuloy nya ang kanyang ginawa. Ano ba 'tong pinagsasabi ni mama? Ni wala nga akong boyfriend eh, soon pa. Ano ba yan!

"Mama, una sa lahat isang akong conservative katulad mo, pangalawa ano ba yan SAPAK AT PATAY na sinasabi mo at pangatlo wala akong BOYFRIEND. Mag-aral mo na ako bago yan!"

"Ah. BAGO YAN? SO IBIG SABIHIN MAY BALAK KANG MAKIPAGRELASYON SA HINAHARAP? Anak, alam mo malapit ng matapos ang sanglibutang ito sana wag ka nalang mag balak na mag asawa. Okey" Haay. Si mama talaga.

_

"Oh! Jane, chika na dali!?" nagmamadaling sabi ni grace, classmate ko. Kung nagmamadali parang may lakad ah. Pero sorry sya, hindi sya makakalabas sa school.*evilsmile*

"Haay. Daig mo pang magfi-fliptop sa youtube. Wala akong chika grace. Baka sabihin mong 'ang pangit naman yung sinabi mo. Corny' baka ganun"

Silence.

Hinampas ba naman ako. Walangyang kaibigan 'to. Akala mo kong makahampas parang as in close na kayo. Ganun! Pero syempre close kami 80% palang :3

"Hindi noh, sinong may sabi?!" Haay. Once tanga always tanga.

One day relationship[One-shot]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon