PART 1

2 0 0
                                    

Ako si Alexi De Guzman isang Third year Highschool sa darating na pasukan sa Cherish University.

Masunurin

Masipag

Matalino

Mabait check na check

Maganda ewan ,  Hindi ko pa sure malalaman ko na lang na maganda ako kapag nakita ko si Night and Shining armor ko o Prince Charming ko. Siguro maganda ako ng medyo  kasi may nagkakacrush din naman sa akin kahit papaano, atleast di ba  ;) pero sure ako 99.9 % na super cute kayo, Siguro akala niyo ako yung cute noh.. hihihihihihihi

kayo alam niyo na ba kung sino ang Prince Charming nyo? Ang type ko kasing lalaki ay syempre unang una na diyan ang pogi tapos mabait .yun lang.

BTW  lets back to my personalities.

Masungit minsan, minsan lang naman

Mataray minsan, minsan lang talaga. PROMISE

Makulit siyempre palagi , alam niyo para daw akong isip bata sabi nila , subait hindi ako nanininiwala SLIGHT lang .

Kayo po ba naniniwala na isip bata ako.

Isang araw ay may dumating na isang lalaki na hindi ko aakalaing babaguhin ang aking buhay . Ang aking inakala siya ang manggugulo ng istorya ng aking buhay ngunit sa huli pala siya ang aking makakatuluyan.

Bago magpasukan ay nakaramdam ako ng pananakit ng ulo, humihilab ang aking tiyan at nagsusuka kaya sinabihan ako  ng aking ama na magpakunsulta sa isang doktor sa  San Miguel General Hospital.

Nang makarating na ako sa Hospital ay nagulat ako sa aking nakita.

OMG! Super Duper Ganda naman ng Hospital na ito para kang nasa Five Star Hotel at unang tapak palang ng paa mo sa pinto ng Hospital ay mararamdaman mong sobrang lamig at sobrang bango sa loob.

Psssssssst… sabi ni kuya na mukhang KPOP

Ang laki pa ng restaurant sa baba parang masasarap ang mga pagkain na sineserve dito. Magkano kaya mga pagkain dito?Grabe  hindi ako makapaniwala na Hospital ito.

Hayyy! Ang ingay naman ng batang iyon.sabi ni kuya na mukhang KPOP

 Grabe may chandelier din na sobrang laki. Siguro mahal yan.Hula ko mga nasa 1 milyon ang presyo niyan. Hahahahaha! Uyyyy! May fountain pa dito . Naku! Siguro pang mayaman ang Hospital na ito. Hindi kaya may beach at swimming pool din dito? Ayy! Siguro wala Hospital nga di ba. Kaso napakatahimik parang hindi nga Hospital.

Pwede bang huwag kang maingay kasi nasa Hospital ka hindi pwede ang maingay dito hindi ito playground.sabi ni kuya na mukhang KPOP

Ang sungit naman nito  parang nagagandahan lang sa Hospital eh. Kung gusto niya ng tahimik pumunta siya sa Library o kaya sa sementeryo. Pasalamat siya pogi siya. Hihihihihihihi Grabe siya na ata yung pinakapogi sa lahat ng mga lalaking nakita ko. Ako rin naman may kasalanan eh sobrang ingay ko halata namang tahimik ang mga tao sa hospital na ito. May policy din ata ito kagaya nung sa Libraray naming na Please Keep Quiet. Ok tatahimik na ako para sa pogi na yun. Ayan ka na naman Alexi ang dami mo ng crush ha. Pwede bang paisa-isa lang kada isang taon kada may nakita kang gwapo o maputing lalaki nagiging crush mo na eh. Crush lang naman , Love kaagad. Ay Sus eto na naman ako kinakausap ang sarili. Wala kasing makausap sa Hospital na ito kaya sarili ko na lang kinakausap ko.

Miggy: Anong sabi mo?

Alexi: Ang sabi ko po pwede po bang magtanong kuya pogi na mukhang KPOP.(pacute na nagtanong si Alexi)

Miggy: Alam mo kung nawawala ka dito sa Hospital huwag ka sa akin humingi ng tulong .Magtanong ka sa guard na iyon para mahanap mo yung mga magulang mo.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Sep 07, 2014 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Crush / LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon