Martes.
Napag-usapan na namin kahapon nila Camille kung ano yung plano namin ngayong birthday ni Rosielyn.At gagawin namin mamayang hapon yun bago kami umuwi.Wala naman kaalam -alam dito si Rosielyn.Habang nandito naman sa upuan ko,bigla ko na naman naalala yung guy ,sabi ni Camille ,C section of our strand yung nakasabay namin magpraktis nun sa gym.So isang bakante lang pala na room ang pagitan ko dun kay semi lee min ho.Yan muna ang tawag ko sa kanya haha.
Kaya posible kayang makita ko ulit siya?
Napahinto nalang ako sa pag-iisip dun sa guy na iyon ,ng nakita kong dumating na si John.Nandito padin sa akin yung saya kapag nakikita ko siya .At yung kilig kapag napapatingin siya dito sa side namin minsan .
Isa pa iniisip ko din si Ace,simula kasi ng sinamahan niya akong bumili ng card,hindi na ako nito masiyadong kinakausap,madalas ko din siyang nakikitang may katext.
Di ko tuloy maiwasang isipin kung mali ba talaga na ipinakita ko pa sa kanya si Yana .
"Oy,Jayciel tahimik ka na naman diyan."sabi naman ni Camille .
Kwinento ko naman sa kanila yung about sa amin ni Ace."E,talagang magagalit sa iyo yun.Haha"sabi naman ni Rosielyn.
"Oo nga,baliw ka pala eh.Haha"pagsang ayon pa ni Maureen.
"Oo nga,hindi talaga mahirap lapitan yung taong gusto mo,lalo na at aware ka talaga sa nararamdaman mo.Nakakahiya kaya yun."sabi naman ni Camille.
"Parang hindi naman."sabi ko pa.
"HAHAHA.Para naman kaya mo."sabi naman ni Maureen
"Oo nga haha.Mahirap nga kasi yun,yun bang kahit malapit na yung taong gusto mo,yung paa mo parang hindi makagalaw .Mayroon pa nga yung tipong gusto mong makausap at lapitan,pero kapag ang lapit na bumabaliktad ka."explain naman ni Camille.
"Ewan ko na nga lang,e bakit yung mga dati kong crush nalalapitan ko naman.?"sabi ko naman sa mga ito.
"Oo,siguro nalalapitan mo pero kapag'may group activites,somthing na related sa pag-aaral."natatawang sabi naman ni Rosielyn hindi naman na ako nakasagot at napatawa nalang dahil tama naman yung sinabi niya.
***
Swerte namin dahil wala na yung panglast period namin,kaya magagawa namin yung plan namin sa birthday ni Rosielyn.It's 4:45 na.Kaya sinenyasan na naman si Maureen.
"Rosielyn tara nga duon sa Learning Tambayan."aya na nito kay Rosielyn,siya lang kasi ang pumapansin ditoat kami kaninang tanghali pa namin siya di pinapansin but it's a part of our plan.
"Camille,Jayciel tara."nakangiting pag-aaya nito..pero di nalang namin siya pinansin.Kailangan e.Haha
Nandito kami sa bandang likod ng room,tapat ng pintuan .Kasi kapag duon kami nag-ayos ng banner sa bandang harapan ,makikita kami ni Rosielyn.
It's 5:20 na at malapit na kaming matapos,may idinidikit nalang kami.Kailangan kasi na kasi namin siyang masurprise ng 5:30 para saktong uuwi nadin kami.Kasi yun naman talaga yung uwian namin.
"Jayciel,pahawak nga ng ribbon itatape ko lang."sabi ni Camille hinwakan ko naman yung ribbon na ilalagay niya daw sa gitna ng box na may regalong blue na teady bear sa loob which is nagshare kami.
Hawak hawak ko naman ang ribbon ,habang nakatingin sa labas ng pinto,naguuwian nadin yung ibang senior.Di ko rin maiwasan na antokin ,ewan.Haha.Hanggang ..
Dub dub dub dub..
Napalipbite na naman ako,parang may kumakaliti na naman sa puso ko.
S-siya yung guy dun sa gym,nakita ko na naman yung mukha niya,ang seryoso nun,pero ng makita ko mas lalo lang akong kinilig ng di ko maintindihan.Hihi.Hanngang sa hindi ko na siya makita ay nakatingin padin ako sa pagdaan niya.
BINABASA MO ANG
Dreaming Mr.Hearthrob (Completed)
Teen Fiction"Never force something or someone just let it be,if it's meant to be it will be"all of a sudden iyan ang kataga na itinatak ko sa puso't isipan ko,pero di ko akalaing maglalaho simula ng makilala ko siya,when I start to dream a Mr.Hearthrob like him...