"BILANG"

10 0 0
                                    

Isa dalawa tatlo naging tayo,
Apat lima anim pinag hiwalay tayo,
Patawad
Mahal ko patawad,
Patawad dahil binitawan kita,
Patawad dahil hindi kita pinaglaban,
Patawad dahil hindi ako naging malakas para sa ating dalawa,
Mahal ko patawad.

Nagsimula tayo bilang magkaibigan,
Natungo sa pagiging magka-ibigan,
Masaya tayo akala natin na patungo na sa kasalan,
Patungo sa akala nating forever, together , forever,
Until death do us apart,
Pero sinubok tayo ng tadhana,
Pinaghiwalay tayo ng tadhana,
Pito walo siyam sampo, break na tayo.

Isa dalawa tatlo sa di inaasahang panahon muli tayo’y nagkita,
Muli linigawan mo ako at muli nahulug nanaman ang puso ko sayo,
Apat lima anim tayo ay nagkabalikan,
Naalala ko pa muli tayo ay naging masaya,
Masaya kahit sa mga kunting bagay lamang,
Na minsan nagmumukha tayong bata,
Naghahabulan, naglalambingan, at higit sa lahat nagmamahalan,
Wagas na wagas na para bang wala ng bukas.
Masaya tayo akala ko hanggang sa dulo magiging masaya tayo.

Pito walo siyam sampo naging kayo,
Bakit? Bakit sa isang iglap lamang ikaw ay nagbago,
Ikaw ay nagbago na hindi ko man lang napansin,
Na ang ikaw at ako ay muling na wala wala na,
Wala na at naging kayo napala,
Pero bakit siya pa?
Bakit siya pa na kaibigan ko pa,
Bakit siya pa? Bakit kayo pa? Bakit kaibigan ko pa?

Ako’y naging tanga nabulag sa subrang pagmamahal ko sayo
Na di na kita kayang bitawan pa,
Na sa piling ng iba ikaw ay masaya,
Umabot ako sa punto na halos ginawa ko na lahat lahat,
Lahat lahat para lang ipaghiwalay kayo,
Na halos mabaliw na ako sa subrang pagmamahal ko sayo,
Na nawalan na ako ng oras para sa sarili ko,
Pero isang araw namulat ang mga mata ko,
Nakita ko na masaya ka sa kanya,
Nakita ko ang mga ngiti mong di ko nakita nung tayo pa,
At bigla kong nasabi sa sarili ko na,
“Ayaw ko na, ayaw ko ng magpakatanga, ayaw ko na.
Aayusin ko na ang sarili ko at bibitawan na kita”.

Pero bigla kang nagbalik,
Nagbalik nung kalian tapos na ang pagiging tanga ko sayo,
Nagbalik kung saan binitawan na kita,
Nagbalik kung saan ayaw ko na, ayaw ko na,
Ayaw ko na maging tanga, ayaw ko ng mahalin ka,
Ayaw ko na.
Maypaluhodluhod ka pa sabay sabi na,
“Mahal pa kita, patawad, patawad dahil iniwan kita, patawad dahil nabulag ako sa mga bagay na kaya niyang ibigay, patawad.”

Pero ayaw ko na talaga,
Ayaw ko na maging tanga,
Ayaw ko ng masaktan, ayaw ko ng masaktan ng paulit ulit nalang,
Ayaw ko na tapos na tayo,
Tapos na ang pagiging tanga ko para sayo,
Patawad pero binitawan na kita, dahil ayoko na.

Isa dalawa tatlo naging tayo, tayo ay nagmahalan na para bang wala ng bukas,
Apat lima anim sa d inaasahang pangyayari pinaghiwalay tayo ng tadhana, nasaktan ako,
Pito walo siyam  muli tayo’y nagkabalikan, muli ako’y umasa
Sampo naging kayo at nagkahiwalay tayo , nagpakatanga ako sayo
Isa dalawa tatlo apat lima anim pito walo siyam sampo, bumangon ako
At ditto nagtatapos ang ikaw at ako, ang tayo.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Dec 07, 2017 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Collections of Spoken Poetry Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon