CH. 6 COLD SWEAT

994 14 0
                                    


I woke up feeling weird. Para kasi akong masaya na ubod ng lungkot. Para kasing may nawala saakin na hindi ko matukoy. Obviously hindi naman iyong virginity ko. Na sa akin parin iyon.

Tumagilid ako. Nakita ko ang mukha ni Miro na natutulog ng mahimbing. I look intently on his face. Para syang anghel kung matulog. Pero pag gising, para syang si living Lucifer. Ang sama ng ugali. Masama pa sa amoy ng taong may putok sa kili-kili.

Lumabas ako ng kwarto nya. Nang makarating ako ng hagdan ay dadalawang isip pa ako kung bababa ako o hindi. Pero bumaba rin ako. Napakamot nanaman ako ng ulo. Lutang nanaman ako.

Nagpalinga-linga ako sa loob ng bahay at wala akong ni isang taong makita. Lumakad-lakad pa ako. Nakarinig ako ng may kumakaluskos kaya pinuntahan ko iyon. Narating ko ang kusina. May nakita akong tatlong babaeng nakauniporme. Yung dalawa dalaga yung isa nasa mid fifties na. Lumapit ako sa kanila.

"Ano pong ginagawa nyo?" Tanong ko. Lumingon silang lahat sa akin at nag bow. Napilitan rin akong mag-bow.

"Good Morning, Ma'am. Ano pong maipaglilingkod namin sa inyo?" Tanong sakin noong babaeng nasa mid fifties.

"Nako, Manang. Ang pormal nyo naman. Samantha nalang po." Sabi ko at ngumiti.

"Ay. Nako! Hindi po pwede, Ma'am. Pagalitan kami ni na Sir." Sabi noon isang babaeng dalaga na may bisayang acent.

"Aysus! Tayo-tayo lang naman ang nandito Ateng." Sabi ko sa kanila. Ngumiti naman silang lahat.

"Ang ganda mo pala Ma'am. Nahihiya ang buhaghag kong hair sa kulot nyo." Sabi noon isa. Napahigikhik ako.

"Hindi ah." Sabi ko. Tumingin ako sa mesa at nakalapag doon ang iba't ibang gulay at seafood.

"Neda at Shana, kayo na ang bahala dito. May aasikasuhin lang ako doon sa likod." Sabi ni Manang. Tumango naman silang dalawa. Umalis na si Manang at naiwan kaming tatlo dito. Siguro kakapalengke lang nila.

"Ah.. Mga Ate, pwede ako na lang ang magluto ngayon?" Tanong ko. Nagkatinginan sila at sabay umiling. Napapout nalang ako.

"Wag na po, Ma'am. Kami nalang po." Sabi ni Ateng isa. Sya ata si Neda.

"Sige na po? Gusto ko po kasi sila ipagluto. Lalo na ang baboy--- este ang bebe ko. He-he-he." Ngumiti ako ng pilit. Bwisit. Bebe talaga? Napahighik silang dalawa.

"Sige po, Ma'am. Teka lang po. Maghihiwa lang po kami. Ano ho bang kailangan nyo?" Tanong ni Ate Shana. Umiling ako. Kinuha ko ang kutsilyo at yung sibuyas.

"Ma'am kami na po jan." Sabi ni Ate Neda.

"Ako nalang po dito Ateng." Sabi ko. Kumuha pa ako ng ibang ingredients para hiwain. I was thinking of ginataang alimango and tempura.

"Ako na po talaga Ma'am. Baka masugatan po kayo eh. Mapagalitan pa po ako." Sabi nya. Nagmake-face muna ako bago humarap sa kanya. Pinakita ko ang kamay ko na may peklat. Isa yung flat scar.

"Kita mo to ateng? Sugat po yan dati noong nag-aaral ako sa Culinary School. Sanay na ako sa mga ganyan. Apat na taon na akong nagluluto at nasusugatan ng kutsilyo. Kaya wag kanang mag-alala ateng. Ang gawin nyo nalang po ay tulungan sila Manang doon sa likod. Tatawag nalang ako sayo kung may kailangan ako ha?" Sabi ko sa kanya at pinagpatuloy ang paghihiwa.

Inuna ko ang ginataang alimango na lutuin. I place the ingredients on a pot and start cooking.

"Sige. Dito lang po ako. Tawagin nyo nalang po ako kung may kailangan kayo." Sabi nya. Nag nod nalang ako at nagpatuloy sa pagluluto ko.

I'm Just The Substitute WifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon