a Nerd loves a Jerk..
that's why I hate him.
(c) sizzlinghotissue 2012 All Rights Reserved
-------------------------
Nandito na ako sa school 'ko. As usuall, wala paring tao ng ganitong oras.
Maaga talaga akong napunta ng school kasi, mag-aaral ako ng mga subjects 'ko.
Minsan, kapag walang exams kinabukasan, nagbabasa nalang ako ng libro.
Mga 60 books ang meron ako, hindi ko kayang sabihin dito lahat.
Basta, yun ang routine ko pagdating sa school.
Mga ilang oras, duma-dami na yung mga tao sa school.
Pero, wala akong balak na pansinin sila no. Nasa climax nko ng librong binabasa ko.
"Hey, Coleen!" Tumingin ako dun sa nagsalita.
Tch, si Liam pala. Ang hearthrob ng skwelahang 'to.
Pero, wala parin akong balak pansinin siya kasama nung mga alagad niya.
"Pare, wala ka pala e." Nagsi-apir-an yung mga kasama niya.
Lumayo ako ng malayo. Pero, sumusunod parin siya sakin.
"Coleen naman! Ano bang nagawa ko sayo?" Biglang pumunta sa harap ko si Liam ng wala siyang kasamang ni-isang alagad niya.
"Layuan mo ako, nagbabasa ako."
Nagawa mo sakin? Hinayaan mo akong main-love sayo.
"Close naman tayo dati ah. Bakit ngayon, iba na?" Tapos umupo siya sa tabi ko.
"Busy ako." Sabay lipat ko ng page.
"Coleen, kausapin mo naman ako please?"
*kriiiiiiiiing*
Dali-dali akong umalis sa harapan niya. Ayoko talaga siyang makita.
Lalo lang akong maiin-Love sa Jerk na yan.
Siya si Liam. Si Liam na mahal ko. Nililibre niya ako minsan, kinakausap parati, tinutulungan niya ako sa homeworks or siya naman ang tinutulungan ko. Ganyan kami ka-close niyan.
Kaka-tapos ko lang kumain ng lunch at back to pagbabasa na naman ako. Pero, bago yan. Chine-check ko munang mabuti kung tama ang sagot ko sa homeworks ko. Minsan kasi, akala mo tama, pero yung first answer mo pala yung tama. Nakaka-asar lang, dba?
"Hello, Coleen!" o_o
Grabe, bigla nalang siyang sumusulpot kung san.
"Busy ako." Kunyari kong binabasa yung mga homeworks ko.
"Alam ko."
"Nakikita mo pala, bakit nandito ka pa?"
"Wala lang, gusto lang kitang makitang nagsusulat."
"Umalis ka na nga."
"Highblood mo naman, Coleen!"
NANDYAN KA KASI SA HARAPAN KO! HINDI AKO MAKAPAGCONCENTRATE!
Huminga ako ng malalim "Please, Liam. Umalis ka muna." Pagmamakaawa ko.
Nagulat ako sa expression niya. Yung nagulat siya tapos biglang nalungkot ang mukha niya.