FIVE✅

3.2K 75 12
                                    

RAFFY

Nasa parking lot na kami ngayon ng Condominium na tinitirahan namin. At hindi pa rin nawawala ang inis ko sa kanya.

"Kaya mo namang maglakad diba? may pa wheelchair wheelchair ka pang nalalaman." Naiinis na sabi ko sa kanya.

"I can stand, but can't walk. It's too painful and I'm pretty sure, my foot has swollen by now. So? much better if you continued on helping me to go upstairs." He said. "And besides, it's your fault anyway. "

"Excuse me, If you're not out of your mind? Who the hell would have thought of having himself to be hurt hah? You know what?? You are so unbelievable, I do not know where your brain is coming from. Why do you keep on bothering me? I don't owe you anything to bother me like this." Angil ko sa kanya, I just wanted him to understand, I don't want his presence in my life.

Napabuga siya ng hangin. "Look Ms.Virgin, I'm too tired, and my foot hurts. Please, all I want by now is to rest, can you bring me to my unit? so that We can both rest now? I'm too tired to have some argument with you. Just take me home please." Pakiusap niya.

Aba? At talagang?

See how rude he is?? Ang kapal talaga ng mukha, sya pa talaga ang may ganang magsalita ng ganon. Upakan ko na kaya to, at ng madala sa pangungulit niya sa akin.

Huminga ako ng malalim, kung hindi ko lang talaga sya nasagasaan, asa siyang pag aaksayahan ko pa siya ng oras na kausapin.

Bumaba na ako ng sasakyan ko upang kuhanin sa compartment ang wheelchair ng animal na pervert na nasa loob ng kotse ko. Tinawag ko ang guard na nakaduty sa parking area upang magpatulong na buhatin siya't mailipat ng maayos sa wheelchair niya.

Nasa elevator na kami ngayon, tahimik lang kami, dahil wala talaga akong ganang makipag usap sa isang manyak.

Naalala ko nanaman tuloy ang nasaksihan ng dalawang mata ko sa elevator na to.

Ipinilig ko ang ulo ko upang mawala ang isiping iyon.

"Okay, I'm sorry." Mahina niyang sambit.

Hindi ko siya pinansin. Hanggang sa makarating na kami sa unit niya ay wala akong kibo. Pagoda na Lola nyo mga te, pagod na akong makipag singhalan sa kanya.

Ipinasok ko na siya ng tuluyan sa loob ng pamamahay niya. Para matapos na ang araw na ito.

I'm so tired, gustong gusto ko ng magpahinga.

"Hahayaan mo na lang akong mag isa dito? Paano ako kakain? Kanina pa ako nagugutom." Sabi niya ng tumalikod na ako upang umalis.

Kasalukuyang nasa sala kami ngayon ng unit niya.

"And besides, how can i lie down on my bed? I could not even stand up properly, and I could not even bend my legs." Napapikit ako ng mariin upang pakalmahin ang sarili ko, ang dami niyang arte sa katawan. My god.

I pick a deep breath. Hinga Raffy, hinga pa, hinga lang.
Konti na lang talaga. Gustong gusto ko na talaga kasi siyang bigwasan. At kung hindi lang dahil sa ako ang may kasalanan kung bakit imbalido sya ngayon, hinding hindi ko talaga susundin ang lahat ng mga arte niya.

At dahil nga ako ang may gawa kung bakit hindi sya makalakad at makatayo ngayon, wala na akong choice kundi ang gawin ang mga sinasabi niya.

Pairap ko siyang tiningnan. Pinanliitan ko sya ng Mata, habang nakapamewang na tumayo sa harapan niya.

"For sure naman May girlfriend ka? I think you should call her, para naman may mag asikaso sayo, FYI Mr. I'm a very very busy person." Nakasimangot na saad ko.

Ms.VIRGIN Meets Mr.PERVERT (COMPLETE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon