Nais kong gumising na wala ng taong mahirap...
Na ang Lahat ng Tao'y may pagkaing nilalasap...
Lahat ng bata nawa'y makapasok sa eskwelahan...
Upang ang lahat ay magkaroon ng magandang kinabukasan...
Nais ko ulit makita ang dagat na walang basura...
Upang bumalik ito sa tunay nitong ganda...
Sabi nga sa kanta: Hindi masama ang pag unlad ng ating bayan,
Ngunit dapat matuto tayong magpahalaga sa ating kalikasan...
Nawa, wala ng pulitikong gahaman sa kapangyarihan at kayamanan...
Maging tunay at tapat ang paglilingkod nila sa ating bayan...
Para sila'y maging magandang ehemplo sa ating bansa...
Igalang at hindi na pagdudahan pa ng mga taong nasasakupan nila...
Nawa, magkaroon ang lahat ng trabaho, malinis na tubig at maayos na tirahan...
Upang wala nang mamatay sa malulubhang karamdaman...
Nais ko na ang lahat ng ito'y mangyari sa hinaharap...
At hindi mapako bilang isang...
Munting Pangarap...