Chapter 16: Meeting Cashea

32 0 0
                                    

SHY's P.O.V

Pagod na pagod na kami at hindi ko na rin kayang magpalabas ng kapangyarihan. Bigla nalang may nagsalita sa may kinatatayuan ni Avexus kanina.

"Akala niyo ba ay tapos na ang laban, hahahaha!" biglang sabi nito at itinutok ang wand samin.

"She's Cashea, The L-legendary W-witch" nanghihinang sabi ni Red

"W-what!" gulat kong sambit.

Tumayo naman si Red, pati narin ang iba kahit na nanghihina na sila. Kaya tumayo narin ako. Nagpalabas sila isa isa ng kapangyarihan nila kaya ganon din ang ginawa ko. Akmang ipapatama namin ito kay Cashea ng biglang tumawa ito ng mahinhinhin.

"Hahaha, binibiro ko lang kayo. Huwag niyo ng gamitin ang kapangyarihan niyo sakin. Masyado na kayong mahihina, kaya ko lamang itinututok ang Wand ko sa inyo para maiteleport ko kayo sa aking tahanan upang makapag pagaling!" mahabang salaysay nito.

"Hayyyy! Salamat naman at makakapagpahinga na tayo!" nakahingang maluwag na sabi ko, Bago ko naramadaman na itineleport na kami ni Cashea. Andito kami ngayon sa harapan ng isang maliit na bahay, parang bunggalo siya. Eh! ito ang bahay niya.

"Sigurado po ba kayo na dito ang bahay mo Cashea!" tanong ni Alli

"Oo, sigurado ako!" sagot naman ni Cashea sakanya.

Pinapasok niya na kami sa loob at isa lang ang masasabi ko. Wow!. Sabi nga nila Don't judge the book by it's cover nga naman. Ang ganda dito sa loob. Vintage na Vintage yung style. Ang laki pala pag pumasok ka. May mga nakasabit na mga litrato ng mga tao na may kanya kanyang hawak o alaga. Sobrang nakakamangha rin yung mga Crystal chandeliers  na nakasabit sa mga walls pati narin yung mga mahahabang staircase.

"Sumunod kayo sakin!" mahin hing sabi ni Cashea

Sumunod naman kami sa kanya. Naglakad naman siya patungo sa isang picture frame na pahaba. Inalis niya naman ito sa pinagsasabitan niya at may nakita naman kaming. Finger print sensor na nakalagay sa may ding ding. Nilagay niya naman yung buong kamay niya duon.

"ACCESS GRANTED!"

Bigla nalang sabi nung detector. Nahati naman sa dalawa yung pader at may madilim na hallway ang bumungad samin. Pumasok si Cashea sa loob, bigla namang nagkailaw sa dinadaanan niya kaya sinundan namin siya. Pagkatapos niya maglakad huminto naman siya sa isang pintuan at binuksan ito. Namangha naman lahat kami ng makapasok kami sa loob, maliban lang kina Red at Dark. Puno ng mga potion's dito sa loob. Marami ding nakalagay na weapons at wands na nakalagay sa transparent glass. May nakalagay din na mga ibat ibang klase ng armors. Astiiggg !!.

"Kumuha na kayo ng healing potion. May mga label naman yang mga potions jan kaya malalaman niyo kung saan ang healing potions jan!" nakangiting sabi ni Cashea.

Kinuha naman namin yung potion na kulay blue yung laman, parang kumikinang pa siya sa loob. Healing potion kasi ang naka label dito kaya isa isa kaming kumuha. Ng mainom na namin parang tubig lang ang lasa niya. Bigla ding nawala yung sakit ng katawan namin pati narin yung mga sugat namin. Naramadaman ko din na bumalik na din yung lakas namin.

"Anong klaseng Healing Potion po iyon Cashea?, Biglang nawala ang sakit ng katawan namin at nanumbalik din ang lakas namin. Pati yung mga malalalim na sugat namin nawala!" manghang sambit ni Axel.

"It's a Legendary Healing Potion, Ako mismo ang gumawa niyan dahil may halong dugo ko yan. Kahit sino hindi maaaring makopya yan, maliban nalang sa Unigal User!" sambit niya habang nakatingin kay Red. Naka poker face lang si Red at cold na nakatingin kay Cashea. "Alam ko ang ipinunta niyo dito, At pinahihintulitan ko kayong dito ganapin ang Galaxers Battle para sa susunod na buwan" nakangiting sabi niya.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jan 13, 2018 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

GALAXY WORLD: The SuperNaturalsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon