Pagkatapos kumuha ng mga litrato si Toni, mabilis siyang tumakbo sa basag na bintana. Dali-dali siyang nagsuot ng gwantes at pinulot ang isang tipak ng bubog na nababalutan ng nanunuyong dugo. Nilagay niya ito sa isang malinis na supot at itinago sa dala niyang bag. Inusisa niya ulit ang kapaligiran – nakalabas ang iba't ibang klase ng damit, nakabalandra ang mga sapatos at libro, at magulo ang iba pang gamit sa kwarto. Kinuha niya ang libro at notebook sa bag. Base sa librong hawak niya, sinusulat niya ang mga posibleng nangyari at pwede pang mangyari sa notebook.