Bianca's POV
Umabot ng higit sa isang taon ang pagkukunwari naming dalawa ni Vincent. Kilala na din ako ng Daddy niya. Okay naman sa akin ang lahat. Kaya lang madalas, nasasaktan ako kapag ihahatid na niya ako sa bahay namin. Parang alam n'yo 'yun? Kung baga sa work "on-call". Magiging sweet lang kami sa isa't isa kapag kailangan.
Mahigit isang taon na din nang pumirma ako sa isang agreement na walang kasiguraduhan.
*Flashback*
Nagkita kami muli sa coffeeshop malapit sa university namin. Kasama ni Vincent noon si Migs at James na kaibigan niya bilang witness daw sa mapagkakasunduan namin.
"Okay, here's mine." Iniabot ni Vincent sa akin ang isang papel na naglalaman ng mga kondisyon na gusto niya.
Nagulat na lamang ako sa ilang nabasa ko. "Anong kiss ka d'yan?! Alam kong sikat ka pero hindi naman ako basta-bastang babae lang." I paused. "Saka 'yung minsanang matulog tayo sa iisang kwarto?! Wow! Grabe ka naman. Ano na lang ang sasabihin ng makakaalam nito sa akin?"hindi ko mapigilang umapela. Para kasing sobra naman ang mga kondisyon niya.
"Sino ba'ng may gusto na magpanggap? 'Di ba ikaw? Saka isa pa don't worry, wala akong interes sa'yo 'no. Asa ka pang ikama kita."may pagkamayabang na sabi nito.
"Aba, bastos nito ah."akmang ihahampas ko dito ang papel na ibinigay niya sa akin nang pigilan ako ng dalawa.
"'Yung sa'yo naman Bianca."si Migs. Agad kong iniabot ang isinulat ko sa kanya. Binasa naman niya lahat iyon.
"Paano masasabi na isa tayong happy couple kung maging madalang ang paghoholding-hands natin at date. 'Yung paghahatid ko sa'yo sa inyo? Tapos 'bawal ma-inlove sa isa't isa? Baka kainin mo 'yang sinasabi mo?"
"I wrote it. Ang dahilan ko ay baka ikaw ang mahulog sa akin kapag nagkataon."sagot ko sa kanya.
"'Wag kang masyadong umasa. 'Wag kang mag-alala. Malabong mangyari 'yang mga sinasabi mo." Saka ito tumawa.
"Oh, ayan na naman kayo. Tigilan n'yo na nga 'yan. Paano matatapos ang kasunduan na 'to kung ngayon palang, aso't pusa na kayo?"saway ni James.
"Tama siya. So, ano? Deal na ba?"si Migs.
"Deal!"sabay naming sabi.
*End of Flashback*
Wala akong choice noong time na iyon kundi ang pumayag. Bukod sa crush ko siya ay walang ibang tumatakbo sa isip ko noon kundi ang subukan. Subukang magpanggap. Pero mukhang tama si Vincent. Mukhang kakainin ko ang mga isinulat ko sa kasinduan.
Nalaman na din nina Bes ang tungkol sa amin ni Vincent. Pero hindi ko inamin ang totoong pagpapanggap lang ang lahat. Medyo nakaramdam ako ng pagkailang ni Bes sa akin. Palagi na lang daw kasi si Vincent ang inaatupag ko. Masama bang gawin ang bagay na alam kong nagpapasaya sa akin? Hindi ko din kasi maiwasang mainggit sa kanya sa pagtrato ni Garren kay Colleen. Well, ganoon din naman si Vincent kaya lang syempre iba kapag alam mong totoo. Hay Bianca Mae! Ano ba ang pinapasok mo?!
Katulad ng nakasanayan ay inihatid ako muli ni Vincemt sa harap ng gate ng bahay namin. Nadatnan ko si Lola Cora na nagtutupi ng mga damit sa salas. "Palagi kang inihahatid ni Colleen ah."puna ni Lola. Si Bes ang alam nilang naghahatid sa akin sa bahay araw-araw. Alam kong magagalit sila once na nalaman nilang si Vincent AKA my fake boyfriend ang palaging naghahatid sa akin.
BINABASA MO ANG
Opposite Attracts (Heartthrob Series 3)
Ficção GeralWe are very opposite. She loves to sing but I love to dance. She is very noisy pero ako yung tipong hindi magsasalita kung hindi mo kakausapin. They say that I am a man of few words. Posible nga bang mainlove ako sa babaeng kabaliktaran kung sino...