Chapter 26"Tahan na, makakatakas din tayo dito. Parating na yung mga magulang natin." Pagtatahan niya sa akin, pilit niyang kinakalas ang tali na lubid sa kanyang mga kamay.
Isang kalabog sa pinto ang narinig namin at tatlong kalalakihan ang pumasok.
"Ako ang mauuna,pare. Hindi pa ako nakakatikim ng ganyan ka bata!" Sabi noong naunang mukhang si Paquito Diaz.
Nakangising aso ang isang lalaki at dumila pa, nangilabot ako sa ginawa niya.
Hinawakan ako ng pangatlong lalaki at padarag na itinayo.
"Bitawan niyo siya!!!" Sigaw ni Brad nakatali na pilit paring binuhol ang tali sa kanyang kamay upang makatakas.
My breath is hitching so bad, my heart is hammering inside my chest. Ano ang gagawin nila sa akin? Para akong mamatay sa takot ng iharap nila ako Kay Paquito Diaz. Hinaplos niya ang pisngi ko at sininghot niya ang amoy ko.
"Ahhh!!!" Narinig Kong sigaw ng batang lalaki at singod ang mga lalaking gustong manamantala sa akin. Natanggal na ang lubid sa kanyang kamay at sinapak ang mga lalaki.
Nasipa niya ang unang lalaki kaya tumilapon ito.
"Anak ng-" Paquito Diaz gritted his teeth in anger. "Gulpihin yan!" Sigaw niya at hinatak ako at tinapon sa gilid upang makisali siya sa panggugulpi sa kanya.
I shouted and cried out of my lungs sa ginawa nila.. Walang kalaban-laban ang ito na halos mangisay na sa bugbug ng tatlong lalaki.
I shout for his name.
"Brandon!" Halos mawalan na ako ng boses sa kakaiyak at kakasigaw ngunit sa layo nitong pinagdalhan sa amin ay imposibling marinig kami ng kung sino at gabi pa.
"Tama na! Tama na! Tama na!! Maawa kayo sa amin!!!" Pagmamakaawa ko dahil napuno na ng dugo ang mukha ni Brad.
Nang humandusay na si Brandon ay saka pa nila ito tinigilan, hindi ko alam kung buhay pa ba ito. Patuloy ako sa pag iyak at pagdasal na sana maawa naman sila.
Lumabas silang halat ng silid na hiningal pa.
"Mga walangya! Isusumbong ko kayo sa mga magulang kong pulis!"
Gumapang ako palapit kay Brad.
"Brad! Buhay ka pa ba? Brad!! Ano ba! Gumising ka, natatakot na ako maawa ka gumising ka."
Iyak ako ng iyak hanggang sa mawalan na ako ng boses. Kahit buong lakas kong pagsigaw ay wala na talaga at sobrang sakit na ng lalamunan ko.
Nilapit ko ang tenga ko sa dibdib ni Brandon. Tumitibok pa naman ngunit duguan na talaga siya. Awang-awa ako sa itsura niya.
Kasalanan ko itong lahat, kung sana ay nakinig nalang ako sa kanya na hindi kami magtatagal ay hindi kami gagabihin.
Hikbi ako ng hikbi dahil pati luha ko ay wala ng lumabas, siguro ay naubos narin sa kakaiyak ko. Gutom na gutom narin ako, sa tantya ko ay madaling araw na dahil sa lamig ng hangin. Nag alala na panigurado sina mama sa amin at maaaring hinahanap na nila kami.