Para Sa Iyo, A

7 0 3
                                    

Sa hindi inaasahang pagkakataon
Mundo nati'y pinagtagpo
Mula sa magkaibang paaralan
At magkatunggali sa isang patimpalak
Ika'y nagpakilala at iyong kamay ay inilahad
"Magandang umaga binibini. Ako nga pala si A", masaya mong bati.
Sinuklian kita ng ngiti at nagpakilala din

Natapos ang patimpalak at tayo'y tinawag na mga kalahok
Ika'y umupo sa aking tabi at nakipagkwentuhan
Sa mga oras na iyon, nakita ko sa iyo ang isang imahe
Imahe ng pangarap ko sa isang lalaki
Nasambit ko sa aking sarili
Ikaw na kaya?

Isang mensahe ang aking natanggap matapos ang isang araw
Ika'y nangangamusta
Ibang tuwa ang aking nadama

Ngunit biglang sumagi sa aking isipan
Isang paniniwalang hindi ko kayang bitawan
Tunay na mapaglaro ang tadhana
Tayo'y sadyang magkaiba
Ngunit ako'y patuloy na umaasa
Na balang araw tayo'y magiging isa

ATahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon