72235

8 0 0
                                    

We all have stories to share . Most of them have happily ever after and some don't. For my case , I think it's more on successful beginnings but not that good ending. Let me give you a hint by telling you this story .

Love is blind . Sabi nga sa kantang "As long as you love me" ng Backstreet boys :

I dont care who you are,where you're from and what you did as long as you love me...

Maraming bulag sa pag-ibig , yung iba nga nagbubulagbulagan lang tulad na lang nitong bida sa kwento ko . Itago na lang natin sya sa pangalang Mel. Haba ng intro ? Ok na yan atleast may hint na kayo kung ano ang magiging takbo ng kwento .

Wag ka ng excited . Sisimulan ko na . Eto na oh , nagmamadali pa .

Chapter 0

July 4,2013 (10:15am)

"Mel ! "

Napabalikwas ako ng tayo ng marinig ko ang pangalan ko . Sino ba naman ang hindi magugulat kung biglang may sisigaw ng pangalan mo gamit ang megaphone sa gitna ng gym, buti na lang mga 10 katao lang ang andoon pero madaming mga matang nakatingin di mo nga lang mawarian kung tao o medyas na nilagyan ng mata.

"Mel Reyes !" sigaw ulit ng lalaking di katangkaran , di din kagwapuhan pero kilala sa buong campus dahil sya lang naman ang running for valedictorian that school year.

Dinig na dinig ko na ang mga bulong bulungan sa paligid . Ramdam ko na din ang mga malisyosang tingin ng isang grupo na kababaihan na di mo mahahalatang members ng fans club ng lalaking sumisigaw .

"Mel , tumayo ka na dyan at mukhang hinihintay ka ni Justin oh" kilig na kilig na sabi ng katabi ko na feeling close. Actually di ko sya kilala pero she knows me because Im one of the varsity players ng volleyball team.

Napatingin ako sa lalaking nakatayo sa gitna ng gym . I know him . We've been on the same class since freshman year . I can say that we can call ourselves FOES. Di kami close at lalong di kami friends. We started as competitors sa isang essay writing contest , and ofcourse I won and from that time we began to act like enemies.

"Mel , Im Justin De Leon at sa harap nilang lahat I just want to say . . . ahm . IM SORRY and can you please accept me as a man."

Alam ko sa sarili ko na napanganga ako . As in literal na nganga na kitang kita na yung tonsil ko sa sobrang shock. Lumingon ako sa paligid , and good thing . . . di lang ako ang ganoon ang hitsura . Napadaan ang tingin ko sa mga babaeng member ng fans club ni Justin at laking gulat ko ng hinimatay ata ang founder at president nitong si Barbara Ramos aka BARBIE.

"Ahm, excuse me . " sabi ko habang pinipilit kong ilakad ang mga paa ko.

"Yes Mel ? " ani Justin .

Lumapit pa ako sa kanya hanggang isang dangkal na lang ang layo ng mga mukha namin. I already felt his heart trembling and his whole body shaking.

"M-Mel ?" litong lito na si Justin sa mga nangyayari .

"Justin ... " pagkatapos kong banggitin ang pangalan ng lalaking kaharap ko , a devilish grin marked my beautiful face. Isang malakas na suntok ang dumapo sa sikmura ng binata. Rumehistro sa mukha nito ang sakit . At kung nagulantang ang mga taong nakapaligid kanina . . . hay di ko na maiexplain ang hitsura nila ngayon . Di ko alam kung nawala sila sa ulirat o ewan.

"Aray ! B-bakit ? " habang dinadama ang sikmurang sabi ni Justin .

"Ang lakas din ng loob mong itanong yan sakin ah. Pagkatapos mo akong ipahiya sa kanila dahil sa mga kabaliwang sinabi mo. "

Wala akong idea kung ano ang ibig iparating ni Justin sa mga sinabi nya . Naguguluhan ako.

Hinila ko si Justin palabas ng gym at dumiretso kami sa tambayan ng barkada sa tapat ng istatwa ni Jose Rizal.

"Ano bang gusto mong palabasin ha Justin ?" tanong ko.

Inayos ni Justin ang pagkakaupo at sabay tumingin ng diretso sa mga mata ko.

"Na mahal kita... Na mahal na mahal kita Mel ,ikaw lang at wala ng iba pa."

72235Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon