~1~

11 1 0
                                    

Jaemi's POV

"Beki!!!"

Nagmadali akong tumakbo papunta sa salas namin. Nasa kusina kase ako at nagluluto ng umagahan.

"Oh, Rin! Anong problema!?" Hinihingal-hingal ko pang tanong sa kanya.

"Si Aron oh! Ampogi niya talaga!" Sagot niya habang kilig na kilig sa pagkakaupo sa panonood ng tv.

"Hoy beki! Akala ko naman kung napaano kana kung makatawag ka! Tsk. Batukan kita dyan e." Sabay balik  sa kusina.

"Ikaw naman. Eh alam ko namang matagal mo nang pinagpapantasyahan itong si Papa A."

"Hay nako Rin. Noon yon hindi na ngayon tsaka paghanga lang naman yon kase may itsura sya. Yun lang yon! Wag mong bigyan ng malisya." Saad ko habang inaayos ang hapag kainan.

"Sus girl. Keme ka pa. Eh alam ko namang pati sa panaginip mo sya ang nakikita mo." Sabay patay nung tv at saka lumapit sa lamesa.

"Baliw! Kumuha ka na nga lang ng pinggan doon. Kumain kana at kung ano-anong kabaliwan ang nalabas dyan sa bibig mo."

Siya si Rin. Ang beki kong kaibigan. Aldrin Gardoza ang real name nya. Hahahaha. Ganda no? 😂 Lalaking-lalaki ang pangalan.

Btw, nangungupahan lang kaming dalawa. Nakilala ko siya nung una kong punta dito sa Seoul. (Mga lugar sa Korea ang ilalagay ko hahaha.) Nanakawan kasi ako non, buti nalang nandon sya at natulungan niya ako. Akala ko nga nung una lalaki sya kase lalaking-lalaki siya nung hinabol nya yung magnanakaw. Hahahaha. Pero kabaligtaran pala.

"Beki, ano? Nakahanap kana ba ng trabaho?" Tanong nya sabay subo nung hotdog.

"Hindi pa nga beks eh. Mga walang available na pwedeng mapasukan." Sabay inom ng tubig.

"Eh kung sa parlor ko nalang kaya ikaw magtrabaho? Suswelduhan naman kita e."

"Ano kaba? Edi parang wala lang din yon! Babayaran mo ko tapos magbabayad tayo ng upa edi parang lumabas na sayong kinita lahat ang ibinayad! Ayoko."

"Edi kung ayaw mo, tulungan mo nalang ako ng walang bayad. Hahaha." Sabay subo ulit.

"Mas ayoko. Hahaha." At tumayo na ko. "Osha, ikaw na bahalang mag-ayos at maghimpil niyan. Mahaba-haba pa ang maghapon para makahanap ng trabaho."

"Owkey... Pero girl, wag i-pressure ang sarili sa paghahanap ng trabaho. Makakahanap ka rin, tiwala lang." Ngumiti lang ako sa kanya at nagpaalam na ng tuluyan.

"Bye!"

"Sige, ingat ka!"

Nakailang store na ako ng pinagtanungan pero wala parin. I think, hindi pa ngayon ang araw na makakakuha ako ng trabaho.

*Sigh*

Habang naglalakad ako pauwi, may isang matanda akong nakita na hirap na hirap sa dalang mga gamit. Nilapitan ko agad sya.

"Ah, tulungan ko na po kayo." Sabay kuha nung mga equipments na dala nya. Mabigat nga ang mga ito.

"Ay, maraming salamat, hija." Sabay ngiti sa akin. Naalala ko tuloy si lola.

"Walang anuman po. Saan po ba bahay niyo? Hatid ko na po kayo."

"Wag na ineng. Nakakahiya naman. Sasakay nalang ako ng taxi dine." Pagtanggi niya sa alok ko.

"Hindi po. Ayos lang naman po. Tsaka wala naman po akong gagawin." Pagpupumilit kong sagot.

"Ay ganun ba? Ay sige. Maraming salamat sayo, hija." Napangiti ako sa sinabi niya since wala rin talaga siyang choice kundi tanggapin ang alok ko.

Sumakay na kami ni Nanay Maria sa taxi. Halos 30 minutes din ang byahe mula sa bahay na binabaan namin.

"Dahan-dahan po ang pagbaba." Pag-alalay ko kay Nanay Maria.

"Maraming salamat, hija. Napakabuti mong bata."

"Ay walang anuman po, Nanay Maria." Sagot ko sa kanya at luminga-linga sa paligid. "Saan po ba ang bahay niyo?" Tanong ko.

Sa tapat ng aming binabaan, may isang malaking bahay. Napakaganda. Mukhang napakayaman ng nakatira dito.

"Ah dito nalang ako ineng. Pede mo nang ibaba yan dito."

"Dito po? May susundo po ba sa inyo?" Sabay bukas nung malaking gate sa harapan namin.

"Oh, Nanay Maria! Nandyan na po pala kayo." Pagmamadaling kinuha ni manong guard yung mga pinamili ni Nanay Maria.

Teka, wag mong sabihing...

"Neng, dito na ko. Maraming salamat ulit ha!"

"Ah opo." Nakatulalang sagot ko sa matanda.

"Kase naman. Inaalok na kayo ni Sir Paul na ipahatid sa driver pero ayaw niyo naman." Medyo inis na sabi ni Manong guard.

"Ano kaba naman Ronaldo. Sayang ang gas!" Medyo natawa ako sa sagot na yon ni nanay.

"Ah, Nanay Maria. Mauna na po ako. Medyo dumidilim na rin po kase." Tumungo ako bilang tanda ng paggalang.

"Ah sige hija. Maraming salamat. Ingat ka sa pag-uwi."

"Salamat ineng ha at sinamahan mo itong si Nanay Maria rito."

"Ah walang anuman po..." Naputol ang sasabihin ko ng makita ko yung karatula sa tabi ng gate nila.

"Wanted P.A"

Papasok na sana sina Mang Ronaldo at Nanay Maria ng magsalita ako na naging dahilan nang pagtigil nila.

"Sandali lang po!" Sigaw ko.

"Bakit Ineng, may problema ba?" Tanong ni Mang Ronaldo.

"I-ito pong karatulang ito, available pa po ba ito? I mean, pede pa po bang mag-apply?" Dere-deretso kong tanong.

"Ah, iyan ba?" Medyo kinakabahan ako sa isasagot ni Nanay Maria. Sana naman!!

"Ah, may nag-apply na kanina at naaprubahan na siya ni Sir Paul kaya naman di na siya available." Feeling ko pinagsakluban ako ng langit at lupa sa narinig ko. Akala ko naman chance ko na to. Di parin pala. 😣

"Ah ganun po ba? Ah sige po." Sagot ko habang nakangiti.

"Pero..." Aalis na sana ako ng biglang nagsalita si nanay Maria.

"Po?"

"Kung sakaling di pa talaga naaaprubahan ni Paul yung nag-apply kanina pede kitang irekuminda sa kanya." Bigla akong natuwa sa sinabi niyang yon.

"Talaga po? Salamat po, Nanay Maria!"

"Walang anuman hija. Bayad ko na rin sayo sa pagtulong mo sa akin."

"Maraming salamat po talaga!" Hinawakan ko ng mahigpit yung kamay niya.

"Teka, di pa tayo sure kaya wag ka munang maging masaya. Hehehe." Oo nga pala. Naging excited ako masyado.

"Ibigay mo nalang number mo dito kay Ronaldo at tatawagan nalang kita pag pede pa."

"Sige po." Masaya kong sagot at ibinigay ang number ko kay Mang Ronaldo. "Salamat po!"

"Sige, hija. Umuwi kana. Aabutin ka ng dilim sa daan."

"Sige po! Maraming salamat po ulit!"

Naglakad ako papuntang istasyon ng bus ng nakangiti.

"Sana, matawagan nila ako!"

~ENDING SONG~
Now playing: Good day by IU

Mahal Ko Boss Ko!? 😲Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon