~2~

17 1 0
                                    

2 Days After

"Hoy, beki. Kumain ka nga muna dyan. Nung isang araw mo pa tinitingnan yang cellphone mo e." Nakakunot na sabi ni bakla.

"Tch. Dalawang araw na kase ang nakalilipas pero wala paring update eh. Di parin ako tinatawagan ni Nanay Maria." Nakasimangot kong sagot.

Bigla siyang tumayo at inilagay ang kinainan niya sa lababo.

"Isa lang ibig sabihin non. Tanggap na yung babae na nag-apply bilang P.A." nakatulala akong nakatingin sa kanya.

"Siguro nga..."

"Osha, ikaw ang nahuling kumain kaya ikaw na maghihimpil. Manonood pa ako ng My Korean Jagiya." Pagkasabi niya non ay bigla siyang tumingin sa wall clock. "Anak ng teteng! Nagsisimula na!!"

Nagtatakbo si bakla papunta sa salas para manood. Napailing nalang ako sa kanya at ngumiti.

"Si Jun Ho lang naman inaabangan mo dyan e." Pagbibiro ko.

"Ang pogi kase. Pero mas gusto ko parin si Papa A. Ang sarap niya siguro no?"

Lumapit ako sa sofa at kinuha yung unan.

"Ouch! Bat mo ko pinaltok?" Sabi niya habang hawak-hawak yung ulo niyo na tinamaan sa pagpaltok ko.

"Ang dumi kase ng isip mo." Tapos naupo ako sa tabi niya.

"Teka, tapos ka nang maghimpil?" Taas-kilay niyang tanong.

"Hindi." Tapos dumila ako sa kanya.

"Aba, beki! Himpilin mo na yon bago kita itapon ng buhay sa Jejudo!"

"Hahahaha. Ang layo naman non..."

*Kring... Kring...*

"Wait." At kinuha ko yung cellphone ko sa lamesa. "Hello?"

"Jaemi, hija?" Teka, si...

"Nanay Maria!?" Pasigaw na sagot ko na naging dahilan ng pagtingin ni Rin sa direksyon ko.

"Yes, hija. Ako nga. Alam kong late na ang pagtawag ko sayo pero may time kaba bukas?"

"Ah oo naman po!" Masiglang sagot ko sa kanya.

"Ah sige, hija. Salamat."

"Ah walang anuman po. Ako po ang dapat magpasalamat sa inyo.. Ah sige po. Salamat po!"

At ibinaba na ni Nanay Maria ang linya niya.

"Kyaaaaah!!" Nagtatalon kaming dalawa ni Bakla na kanina pa palang nakikinig sa tabi ko.

"I am happy for you, bakla!" Sabay yapos niya sakin na akala mo nanalo ako sa lotto.

"Hahahaha. Salamat bakla." At tinanggal ko yung pagkakayapos niya sakin. "At dahil dyan, ikaw na ang maghimpil ng mga to at ako'y pupunta na sa aking kwarto para matulog."  Sabay takbo.

"Hoy! Ang daya ha!"

Tumingin muna ako ulit sa kanya pagkapasok ko sa kwarto ko.

"Lablab bakla!" At nagflying kiss pa ko sa kanya tsaka isinarado yung pinto.

"Hay. Kung hindi lang kita mahal, itinapon na sadya kita sa Jejudo! Baklang to!"

~Kinabukasan

"Beki! Nakahanda na yung pagkain mo sa lamesa. Yung pinto wag mong kalilimutang isarado pag-alis mo!" Sigaw ko kay bakla na kasalukuyang nasa banyo't naliligo.

"Oo!"

"Sige. Alis na ko!" Sabi ko habang isinusuot yung sapatos ko.

"Ok sige. Ingat ka, Beki! Good luck!" Sigaw nya at dinig ko yung sabay na pagbuhos nung tabo.

Nakasakay na ko ng bus papunta kina Nanay Maria. 8:00 o'clock ang sinabi niya sakin. Tumingin ako sa relo ko para tignan kung anong oras na.

"7:30 palang naman." Ngiti kong banggit at saka tumingin sa bintana. "Ang ganda ng panahon ngayon! 😊"

Nakarating ako kina Nanay Maria ng 7:55. Limang minuto bago mag-alas otso.

Huminga muna ako ng malalim at saka nagdoorbell.

*Ding Dong*

Makalawang doorbell palang ako nang biglang buksan ni Mang Ronaldo yung gate.

"Oh, ineng! Tama lang ang dating mo." Bungad sakin ni Mang Ronaldo.

"Ah, good morning po!" Bati ko muna sa kanya. "Oo nga po eh. Buti nga po di po ako nalate. Hehehe."

"Oo nga. Osha, pasok kana." Tapos binuksan niya ng tuluyan yung maliit na pinto sa gate.

"Salamat po."

Pagkapasok na pagkapasok ko, bumungad sa akin ang napakagandang gardin nila. May mga rose na iba't iba ang kulay. May puti, red at maging violet na rose.

"Wow!" Ang nasabi ko na lamang sa sobrang ganda ng aking mga nakikita.

Tumingin ako kay Mang Ronaldo na nasa gilid ko lang.

"Siguro po napakayaman ng nakatira dito." Sambit ko.

"Ah oo. Nakikita mo sya sa tv panigurado. Si Sir Paul." Tuloy-tuloy na sagot ni Mang Ronaldo.

"Eh, talaga po? Artista po ba sya?" Gulat na tanong ko.

"Oo. Singer din siya at napakaganda ng boses niya." Nagmamalaking sabi nito.

"Ah..." Ang nasagot ko nalang sa kanya habang tumatango-tango. Napaisip ako bigla kung sinong Paul ang sinasabi niya.

Pagkapasok namin sa loob ng bahay, mas lalo akong namangha sa aking nakita. Sa sobrang ganda nito, hindi ko na maialis ang aking mga mata sa linis at ayos ng pagkakagawa rito. Sa labas ng bahay, makikita mo na gawa ito sa adobe.

"Jaemi!" Bungad sakin ni Nanay Maria na nakasuot na pang maid pero hindi literal na pang maid ang suot niya. Iba ito sa ibang katulong na isinusuot ng karamihan.

"Nanay Maria!" Tumungo muna ako at saka lumapit sa kanya.

"Tamang-tama lang ang dating mo. Katatapos lang kumain ni Paul."

"Ah ganon po ba?" Kinakabahan kong sagot.

"Ay, maupo ka muna dyan, hija." Naupo ako sa sofa na sobrang lambot.

"Ah sige. Ako'y babalik na ulit sa pwesto ko." Sabat ni Mang Ronaldo at tuluyan ng lumabas ng pinto.

Pagkalabas ni Mang Ronaldo ay nagtungo naman si Nanay Maria sa kusina para kumuha ng juice.

Wala pang 2 minuto ay bumalik na ulit si Nanay Maria.

"Oh, hija. Uminom ka muna ng juice."

"Maraming salamat po." Kinuha ko yung baso at uminom.

"Pasensya kana kung ngayon lang kita natawagan. Yung una kase na nag-apply ay natanggap din ng araw na iyon..."

Tuloy-tuloy na pagkukwento ni Nanay Maria.

"Nung unang araw palang niya sa trabaho ay maayos ang ipinakita niya. Maayos naman sya at maasikaso kay Paul..."

Patuloy niyang pagkukwento habang ako'y nakikinig at uminom ng juice.

"Ang kaso, nung sumunod na mga araw ay lagi na siyang nalelate." Kunot-noo nyang sinasabi. "Eh ayaw ni Paul nang ganun lalo na kung may mga schedule sya ng araw na yon."

"Ah at ayun po ang naging dahilan ng pagkaalis niya bilang P.A."

"Oo." Pagsang-ayon nito. "Kaya naman nung sinabi niya na maghanap ng panibago ay ikaw agad ang naalala ko."

Habang nagkukwento si Nanay Maria ay biglang may lalaking bumaba sa hagdanan.

"Nanay Maria? Sino pong kausap niyo?" Napatingin naman ako sa taong tumawag sa kanya.

Nanlaki ang mga mga mata ko ng makita ko ang lalaking tumawag kay Nanay Maria.

~ENDING SONG~
Now playing: Good day by IU

Mahal Ko Boss Ko!? 😲Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon