alaf

88 1 0
                                    

Nothing can make Mushroom happier than to see Gino out of her life. Simula nang magka-isip siya hindi niya maalalang naging masaya siya sa tuwing nariyan ang kababata. He always makes her day worst of all worsts. Wala siyang ibang nararamdaman para dito kundi inis, galit at pagkamuhi na walang kapantay.

Hindi niya aakalaing didinggin ng Diyos ang hiling niya. Gino will be gone for good. But she found out something unusual. She felt sad. And though she could never explain why, she was heartbroken. And she found herself praying he’ll never leave. But he left, leaving a promise that he will love her as long as forever. Naghintay siya. Hanggang sa mapagod ang puso niya sa kahihintay.

After ten long years, Gino was back. And just when Mushroom took the risk of loving him, something inevitable happened and Gino has to leave her again for good. How will she fight for the love she kept for so long? How will she make Gino fight for their love?

How can she make him fulfill his promise?

CHAPTER 1

KUNOT na kunot ang noo si Mushroom habang nakatitig sa note na nakapaskil sa refrigerator. Pakiramdam niya’y umuusok ang ilong niya.

MUSH, GINO CALLED. DARATING DAW SIYA. SAGLIT LANG AKO SA SUPERMARKET. MAAGA UMALIS ANG DAD FOR WORK. -MOMMY

Galit  na napatingin siya sa wall clock. It’s just nine in the morning at nabubuwisit na siya! Ano na naman ang kailangan ng damuhong iyon sa kanya? Kahit ba Sabado hindi siya tatantanan ng pambubuwisit nito? Gusto niyang magpapadyak sa inis. Nanggigigil na kinuha niya ang note at nanggagalaiting pinunit iyon. Kapag nakita siya ng Mommy niya ngayon, tiyak na ipapatingin na siya sa psychiatrist. Her mom and dad are so fond of Gino. Kaya kahit na harapan siyang inaalaska ng walanghiya’y walang anuman iyon sa mga magulang niya. And she hated it! They even reprimanded her for being mean to Gino. Her own parents called her mean!

Huh! May araw din ang walanghiyang ‘yon sa kanya. Kahit noong mga bata pa sila’y palagi siya nitong inaaway. At hanggang ngayong malalaki na sila’y wala pa rin itong ibang kasiyahan kundi ang asarin siya. Ang mas nakakaasar, alam nito kung papaano siya asarin ng walang kahirap-hirap. Gino is the worst villain ever. Demonyo ang tingin niya rito. At magiging masaya lang ang buhay niya kung mawawala ito sa paningin niya forever!

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jun 08, 2012 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

alafTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon