~3~

11 0 0
                                    

Habang nagkukwento si Nanay Maria ay biglang may lalaking bumaba sa hagdanan.

"Nanay Maria? Sino pong kausap ninyo?" Napatingin naman ako sa taong tumawag sa kanya.

Lumingon si Nanay Maria sa kanya at sinabing, "Ah Paul." Tumayo siya at saka nagpatuloy. "Ito nga pala si Jaemi. Yung sinasabi ko sayo kagabi na nakilala ko kahapon nung namimili ako."

Now playing: Say Yes by Punch and Loco

Napatayo ako ng di ko namamalayan. Alam mo yung automatic kang tumayo kahit di mo naman sinasadya. Hahaha. Basta ganun!

Habang papalapit siya sa amin ay nakatitig parin ako sa kanya. Yung taong pagsisilbihan ko? Yung Paul na sinasabi nila ay itong taong noon ay aking hinangaan. Oo, tama! Siya si...

"Ah siya ba?" Di ko namalayang nasa harap na pala namin siya.

Bagong ligo siya kase amoy na amoy ko yung pabango niya tapos ang pogi niya lalo na sa malapitan. Yung malachinito niyang mata na kasinliit ng mga langgam. Hahahaha.😂✌

"M-magandang araw po." Nauutal kong bati sa kanya.

Ngumiti lang siya at umalis na sa harapan namin at nagtungo sa labas ng bahay. Mukhang paalis siya sa suot nya.

"Jaemi? Ok ka lang ba?" Di ko namalayang kanina pa pala akong kinakausap ni Nanay Maria.

"Po? Ah.. opo!" At ibinaling kong muli ang aking mata kay Aron na nakasakay sa kotse papalabas nang gate. Siya pala si Sir Paul. Nakalimutan ko nga palang may Paul sa pangalan nya. ARON PAUL GUEVARRA.

"Pasensya kana. Hindi kana nakausap ng ayos ni Paul kase may lakad syang pupuntahan ngayon eh."

"E-eh Nanay Maria, paano po yon? Tanggap po ba ako o hindi?" Malungkot kong tanong sa kanya.

"Since di ka niya pinaalis at sinungitan, sa tingin ko oo." Masaya niyang sagot sa akin.

"Talaga po!?" Sa sobrang saya ko ay napatalon ako ng kauntian.

"Oo pero sa ngayon, umuwi kana muna. Mamayang 3:00 ng hapon ka nalang ulit bumalik. Paniguradong hahapunin yung mga yon." Tapik niya sa kaliwang braso ko.

"Opo. Maraming salamat po ulit." Pamamaalam ko sa kanya.

Sa sobrang saya ko dahil may trabaho na ko ngayon ay nagtungo ako sa parlor ni Rin.

Pumasok ako sa loob ng hindi umiimik at dere-deretso ako sa pag-upo don sa sofa nila sa likod. Napansin ako ni Rin na kasalukuyang may ginugupitan na babae. Patapos na rin sa tingin ko yon.

"Hoy bakla! Ano? Nakasimangot ka na naman dyan. Anyare don sa pinuntahan mo?" Sabi niya habang patuloy sa paggugupit.

Huminga muna ako ng malalim. Tapos saka nagsalita.

"Ayon, ok lang." Napatingin naman siya sakin at saka nagtanong muli.

"Ok lang? What do you mean by that?" Tapos ipinaubaya na niya yung customer nya don sa isang bakla.

Lumapit siya sakin at naupo sa tabi ko. Tapos ako tumayo at nagtungo sa salamin. Sumunod naman sya sakin.

"Hoy! Ano nga?" Hampas niya sa braso ko pero light lang yung pagkakahampas niya.

Lumingon ako sa kanya at saka sinabing, "Beki! Tanggap na ko!!"

Napairit kami sa loob ng parlor kaya naman napalingon samin yung ibang taong nandon. Hinila ako ni Beki papunta don sa may kwarto ng kanilang parlor.

"Eh totoo? Anong itsura nung bahay? Maganda ba? Eh yung boss mo? Maganda ba? Or pogi? Ano!?" Sunod-sunod na tanong niya.

"Saglit. Hinay-hinay lang." Pinakalma ko muna siya at saka nagpatuloy sa pagsasalita. "Oo maganda." Nakangiti kong sagot.

Mahal Ko Boss Ko!? 😲Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon