Yanna's POV***Friday***
"Aaa aah!!!"hikab ko matapos bumangon...
"Anong oras na ba??"tanong ko sa sarili ko atsaka tiningnan ang oras...
5:00 AM
"Ang aga pa pala!!Di Bali na nga!!"dumiretso na ako sa cr at ginawa na ang morning rituals ko..
Pagkatapos kong ayusin ang sarili ko ay bumababa na ako...at dahil mukhang tulog pa yung magpinsan, no choice ako na ang magluluto ng almusal namin.
Pumunta na ako sa kusina at nag umpisang magprito ng scrambled eggs,bacon,hotdog at sinangag...(marami ba? Di yan kami pa...) So ayun inayos ko muna ang dining at ang mga gagamitin namin sa pagkain pagkatapos ay pinuntahan ko na sila Shyrie..
"Oyy!!bumababa na kayo!!!nakahanda na yung pagkain.."o diba nanay ang peg ko ngayon...kidding aside so ayun bumaba na ako at nagumpisa ng kumain Hindi ko na sila inaantay nagugutom na ako eh...
"Wow!sipag mo ata ngayon!!mukhang maganda talaga ang nangyari sa iyo kahapon ah.ulitin kaya namin yung Pag iwan sayo.."si Janice na sumusubok na namang bumawi...
"Oo,maganda,sa sobrang ganda gusto kong ulitin din yung ginawa ko sayo kahapon ng tripleng beses..para naman maaalog ulit yang utak mo.mukhang kulang pa kasi para matauhan ka.".ako at saka inilagay yung pinagkainan ko sa kitchen counter..
"Janice naman!!OK na eh!!ayan mukhang naka mapambara mode na naman sya!!tsk.tsk..".si Shyrie na tinabihan na si Janice sa dining at kumakain na din..
Bala nga kayo dyan nasakit ulo ko sa Inyo..
Pumunta ako sa kwarto ko at inayos ang mga gamit ko.naisipan ko rin kaing Hindi sumabay kila Shyrie at gamitin yung motor ko ngayon,Hindi naman ako makikitaan kahit nakapalda ako mahaba naman kasi ito kaya maayos na pagupo lang sa motor oks na...nagdala na rin ako ng pamalit para Hindi ako mahirapan sa Pag uwi ko mamaya...Bumaba na ako nakitang nagliligpit yung dalawa...
"Di muna ako sasabay sa Inyo!!una na ako sa school kita na lang tayo doon".ako at lumabas na at nagumpisang paandarin yung motor...
Katamtaman lang bilis ng andar ng motor ko ngayon dahil maaga pa naman at isa pa at nakapalda ako...
***Parking lot***
Dahan-dahan kong pinark ang motor ko,nang biglang may bumusina sa akin...
"Hey Miss Vergarra!!".pasigaw na bungad sa akin ni Nicko.
Dahan dahan akong bumababa at hindi sya pinansin..
"Astig nagmomotor ka pala,di mo manlang shineshare sa amin".sya nahinihimas pa yung motor ko..
"Bakit ko naman isheshare,close ba tayo?".tinaasan ko sya ng isang kilay pagkatapos at tinabig ang kamay nya...
"Hehehe!!!hindi nga!!!Grabe ka naman kasi,ayaw mo kaming pansinin.."sya na sumabay sa Akin sa paglakad papasok ng University.
"Eh anong tawag mo sa ginagawa ko sayo ngayon??bahala ka na nga dyan nasakit ulo ko sayo".ako.at agad syang iniwan at dumiretso sa classroom namin.
Mukhang napapadalas na at a ang maagang pagpasok ng mga to...yup nandito na agad sila pati yung masungit na yun...tsk..umupo na ako sa upuan ko at hindi pinansin ang pangbabati nung mga crush nila Shyrie...saktong pagupo ko at pumasok si Nicko..
"Guys!!!Alam nyo bang nagmomotor si Ms. Vergarra.."sigaw ni Nicko habang papalapit sa mga tropa nya...loko din tong lalaking to anong akala nya wala ako dito...
YOU ARE READING
Ms.Mapambara Meets Mr.Arrogant
Teen FictionTungkol ito sa isang babaeng mahilig mangbara at mang-asar... Na makakatagpo ng isang lalaking masungit,na ayaw sa kanya...