Hello ^_____^ Satsuki on the right side, wearing their oh-so-cute uniform <3 hihi
--------------------------------
"Now spill it" mataray na sabi sakin ni Kaelyn habang inaabot yung doughnut na binili nila ni Blythe at isang slurpee.
haay etong mahirap sa bestfriends mo eh. Andaming tanong sayo kapag basta basta ka na lang nawala kapag magkakasama kayo. Eh ano pa bang magagawa ko? may choice pa ba ko? edi ikukwento ko na nga sa kanila yung nangyari sakin kanina.
Kung itatanong niyo naman kung nasaan kami, andito kami ngayon sa isang convenience store. Dito kami dumeretso nung uwian na. Pano kasi nag promise ako sa kanila na sasabihin ko nga kung bakit bigla akong nawala sa cafeteria nung lunch time na namin. Hindi ko na kasi na kwento sa kanila kanina dahil nga nalate KAMI ni Zhien ng pasok sa next class namin. Yan tuloy ako nanaman center of attraction lalo pa't sabay kami ni Zhien na pumasok at parehas pang late ~T_T~
Nakakatakot nga yung mga titig nila sakin eh. huhu. Nakakahiya rin dahil first day ko sa school na yun tapos late pa ko. tss
Matapos kong makwento sa kanila yung mga nangyari sakin kanina, inexpect ko na na maghi-hysterical nanaman sila dahil may umaway nanaman sakin. Ganyan kasi sila ka OA kapag napapahamak ako. Pero diba ang sweet lang ng mga besties ko? hehe. Sobrang thoughtful.
Pero mukha yatang mali ako sa expected kong makita at marinig sa kanila. Imbis na kasi sila yung magulat sa kwento ko, ako nagulat sa reaction nilang dalawa.
"So totoo nga ang mga nasagap nating infos tungkol sa kanya at sa grupo niya." - Blythe
"I know right" - Kae, then she rolls her eyes. Parang naiirita yung mukha nilang dalawa. Ano namang tsismis ang nasagap nila aber?
"Huy ano nanamang tsismis yan ha mga babae? Kayo naman mag share dyan oh." aba! nacu-curious na ko sa mga infos na sinasabi nila eh.
"hay nako Suki-chan, alam mo na bang sikat yung apat na yun sa tawag na 4D?" panimula ni Lyt. (pronounced as light) nickname ko yan kay Blythe eh, bakit ba? haha.
"Sino sina Alvin, Nicks, Lanz at Zhien? oo naman. Ayun kasi yung tawag sa kanila nung mga babaeng umaway sakin kanina eh." oo nga naalala ko nga pala, bakit nga ba ayun yung tawag nila sa kanila?
"Yeah at alam mo ba kung bakit ayun ang tawag sa grupo nila?" si Kae naman yan. Basta talaga chismis game na game sila eh.
"Kasi sila daw yung 4 Dazzling Boys ng school. Tapos ang totoo pa nyan wala talagang nagbabalak na makipag kaibigan sa kanila. Pano ba naman, dalawa sa miyembro nila yung anak ng may ari nitong school." explain ulit ni Lyt. wow! andami na agad nilang alam sa kanilang apat ha.
"wait nga. Diba dapat 4DB? kasi sabi mo Four Dazzling Boys ang ibig sabihin nun. Eh bakit 4D lang?"
"Hay nako Suki, isip isip din pag may time ah. Malamang ang panget kayang pakinggan nun. 4DB? psh. parang 4 Divi lang ang tunog as in Divisoria! Hahaha." natatawang sabi niya. oo nga noh. Ang panget nga pakinggan! hahaha
"At eto pa girl.." nakikinig lang ako sa mga chismis ng dalawang to dahil unti-unti naman nilang nasasagot yung mga tanong sa isip ko.
"King rin ang tawag nila sa apat na yun dahil sila ang pinaka kinatatakutan sa ERA. Mahilig silang mambully lalo na kapag ikaw yung napagtripan at napag-initan nila." sabi naman ni Kae na seryosong seryoso sa pag e-explain sakin.
"Ok. saan niyo naman nakuha yang napaka rami nyong information tungkol dun sa apat? baka mamaya false alarm lang yan. Mukha naman kasi silang mababait eh. Remember, nakipag kaibigan sila agad sakin." di ko kasi maisip na bully silang apat. Napaka friendly kaya nila sakin. Lalo na si Lanz. Sinamahan pa nga niya kami papuntang cafeteria eh.

BINABASA MO ANG
He Who Stole My Heart
Novela JuvenilIs it really true that nothing is permanent in this world? Even your feelings? This is a story about a girl that faces reality in her life. She fell in love with a guy that really stole her heart away. But will her feelings change as she discovers m...