CHAPTER 4 – My Valentine by Martina McBride
Jao’s POV
August na agad. Ang bilis ng araw. HAHA! Teka, may nakita pala ko sa bulletin board ng College building namin. Wait, ganito pagkakasabi oh. XD
ANNOUNCEMENT!
What: Acquaintance Party
Who: All Freshmen ABE students
Where: SEU Gymnasium
When: August 29, 5PM – 9PM
What to wear: Semi-formal attire
NOTE: Please be on time. Register first at your Department. See you. ^__^
Ohmy. Nakaka-excite naman to. Lalo na ngayong okay na okay na kami ni Mikay. HAHAHA! For sure, ako ang magiging partner niya. Sisiguraduhin ko yun! =))))
Dumirecho na ko sa room namin. May klase na kasi. Mamayang break, sasabihin ko kay Mikay yung nabasa ko. Baka di pa niya alam yung tungkol dun. Hayy. Sana wala pa siyang ka-partner! (Crossed-fingers)
Mikay’s POV
Whoa! Ang bilis ng araw. Isang buwan na din simula nung magkabati kami ni Jao. At ngayon, nabalik ulit sa dati yung dating kami na close na close.
Alam na din ni Mama na nandito na sila ulit. Nakakatuwa pa yung expression ni Mama nung sinabi ko yun sa kanya. Mukhang ewan na parang bata. Namiss niya siguro talaga ang bestfriend niya.
*FLASHBACK*
Pagkauwi ko galing school, binalita ko agad kay Mama yung nandito na ulit ang Dela Torre Family at ang pagbabati namin ni Jao. Di ko pa kasi agad sinabi sa kanya kasi tatanungin nun panigurado kung bakit di ko pinapansin ang bestfriend ko.
“Mama!” Tawag ko sa kanya. Syempre, excited ako ngayong alam ko na yung totoong dahilan kung bakit nawalan kami ng communication sa kanila.
“Oh?! Grabe. Bakit ba ganyan ang boses mo at tila excited ka? Ano’ng nangyari?” Tanong ni Mama.
“Nandito na kasi sila Jao, Ma! Take note, classmate ko siya ngayon!” Pagbabalita ko kay Mama.
“Oh?” Di siya makapaniwala. “Eh bakit ngayon mo lang yan sinabi saken? Diba nung June pa nagstart ang klase niyo?” Pagtataka niya.
“Kasi Ma. Ano eh. Diba alam niyo naman dati na nawalan kami ng communication ni Jao. Syempre, nagtampo ako sa kanya nun. Sabi niya, palagi siya magmemessage saken sa Facebook. Tapos nawala bigla.” Paliwanag ko. At nakanguso pa. Amp.
“Nagkausap na kayo? Ano daw dahilan nun? Bakit daw?” Sige, gusto din malaman ni Mama. Malamang, pati bestfriend niya eh, nawalan din ng communication sa kanya.
“Namatay daw po kasi yung Papa niya. Tas ayun, naghirap sila. Binenta daw lahat ng gamit tulad ng laptop, TV, kotse. Tapos pati daw bahay at lupa, nasangla. Grabe pala Ma. Yung sitwasyon nila dun. Nakokonsensya tuloy ako kasi kung anu-ano inisip ko nun.” Mahaba kong sabi kay Mama.
“Huh? Grabe pala. Kaya pala bigla na lang silang nawala na parang bula.” Sabi ni Mama.
“Kaya nga eh. Pinauwi na sila dito. Yun daw sabi ng Papa niya one day before mamatay. Kawawa naman sila.” Oo, nakakaawa. Wala na kasi silang Padre de Pamilya. Mahirap yung ganun, sobra.
BINABASA MO ANG
This I Promise You (KathQuen FanFic Story)
FanfictionPaano kung yung isang lalake na ayaw na ayaw mo, eh palagi kang nilalapitan? Susungitan mo pa rin ba siya kung araw-araw ka naman niyang kakantahan? Ano'ng gagawin mo kung sa pagdaan ng araw ay unti-unti mo na siyang nagugustuhan? This is a fan fict...