Dear EXO

17 0 0
                                    

Dear EXO,

'Gusto kong pumunta sa Korea!!' Yan ang matagal ko nang pinapangarap. Kahit na hindi ko ito matupad ngayon wala naman akong magagawa, isa lang kasi akong fan na malayo sa inyo. Hindi ako gaya ng iba na mayaman at kaya kayong sundan kahit saan concert ang inyong puntahan.

Naalala ko nung hindi pa ako mahilig sa mga koreano. Natatawa nga ako kasi grabe ako kung laitin ang k-pop.

Puro akala, akala ko mga bakla ang mga koreano, akala ko ang baduy ng mga damit nila, akala ko puro mga edited ang mga kanta nila, akala ko puro pagpapacute lang ang alam nila.. Akala ko yun nung hindi ko pa kayo gusto.

Madalas nang mangyari ang sinasabi nilang 'kakainin mo rin ang mga sinabi mo'. Nagjoke pa ako sa kaibigan ko na hindi naman ako nabubusog sa ganun kaya bakit ko pag aaksayahan ng oras. Tinawanan ko pa nga ang Nobody ng Wonder Girls daw kuno sabi nila. Di ko alam kung bakit sumikat yun eh wala naman akong maintindihan bukod sa 'Nobody but you' na lyrics nila..Pati ung 2ne1 daw magaling sabi ng mga kaklase ko pero ayokong maniwala. Wala ngang dating sakin yun eh.

Pero lahat yun nagbago nung napansin ko sa facebook ang group niyo. Nacurious ako dahil pinag uusapan kayo. Nagtetrending din kayo sa twitter. Kadalasan di ko naman pinapansin ang mga ganyan gaya nung sa pinagkukwentuhan ng mga kaklase ko na Super Junior,Girl's Generation, fx, shinee etc. daw.. Iba kasi nung mga time na yun, iba ang fans nung araw na yun. Di ko napansin nasa google na pala ako at iniistalk ang mga profile niyo.

Mula nun nabaliw na ako sa inyo. Pinapanood ko na lahat ng music videos niyo, pati mga guestings niyo at mga laban niyo sa iba't ibang entertainment.

Alam niyo ba na mas marami na akong alam tungkol sa mga korean groups kesa sa classmates ko? Dahil sa inyo natuto akong iappreciate ang mga gawain niyo. Marami na rin akong favorite na groups, halos lahat nga yata gusto ko pero kayo ang number 1 sa puso ko.

Ngayon dahil sa inyo mas namotivate akong mag aral. Pinangako ko sa sarili ko na mag aaral akong mabuti at magtatapos ako tapos magiging mayaman ako para makapunta ako sa Korea. Gusto ko kayong makita. Sa ngayon okay lang sa akin kahit na mapalampas ko ang mga concerts niyo or ng ibang korean groups, basta sisiguraduhin ko na balang araw magkikita tayo.

Hindi ko na sasabihin kung sinong bias ko sa inyo kasi lahat kayo mahal ko. Hindi ito basta pagka adik lang kasi ginawa ko na kayong parte ng buhay ko. Isipin man ng iba na ang babaw at OA ko wala akong pakialam dahil ito ang gusto ko, ito ang sinasabi ng puso ko.

Isa lang akong fan, hindi ko rin iniisip na mapapansin niyo ito o mapapansin niyo ako. Isa lang ako sa milyon-milyon o bilyon-bilyong tagahanga niyo at alam ko na ganito din ang iniisip at nararamdaman ng iba pang mga katulad ko pero alam kong iisa lang ang sinisigaw ng mga puso namin.

MAHAL NA MAHAL NAMIN KAYO AT NANDITO LANG KAMI NA NAKASUPORTA SA INYO. SANA MAS MAGING SUCCESSFUL PA KAYO SA BUHAY.

WE ARE ONE, WE ARE EXO!!

Lubos na Nagmamahal,

avid fan

-----

Naisipan kong gawin 'to dahil sa kinakaharap ng Exo ngayon :) gusto ko lang ilabas ang nararamdaman ko. Hello sa mga Stars/Exostans/Exotics dyan ^^ salamat sa mga bumasa,nagbabasa at magbabasa pa lang..

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: May 27, 2014 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Dear EXOTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon