Zero

4K 71 8
                                    

━━ ∞ ━━ ∞ ━━ ∞ ━━

Lisa's POV

Ring ring ring.....

Tinignan 'ko kung sino ang tumatawag si Rosé eonni pala.

"Oh ano? Aga aga tumatawag ka!" Sigaw 'ko sa kabilang linya.

"Ay oh pak gara. Ganyan ka naba sumagot sa nakakatanda sayo? Di kita pinalaking ganire ineng" kinusot-kusot 'ko ang mata 'ko at matutulog na sana nang magsalita ulit si eonni. "Ineng anong oras na? Mag aalas-sais na di ka pa pumapasok!"

Dahil dun napa-tayo agad ako at dali-daling pumasok sa banyo.

Kumuha ako ng gatas sa ref at kinuha ang tinapay pagtapos nun ay dali-dali rin akong nag-sapatos at kinuha ang gamit at cellphone 'ko. Tumawag ako kay Rosé eonni.

"Paalis na ako ng bahay hintayin mo ako!" Mabilis akong tumakbo at nagpahatid na kay manong. Buti nalang at gising na siya. Nagtataka nga raw siya, lalabas na ang araw pero hindi pa din daw ako lumalabas.

"Oh sige ha. Dalian mo. Magkaka-world record ka na niyan e. Whole year late ka, last year at nung last last year at nung last last last year late ka lagi. Late ka na pala since birth" -Rosé

5:59 na at 1 minute nalang late na talaga ako.

Nadatnan 'kong may mga konting estudyante ang nasa labas. Siguro hindi 'to pinapasok ng guard kasi late na. 6:10 am na e. Nakuuu malilista nanaman ang napaka super duper fabulous 'kong pangalan sa notebook ni koyang guard.

Habang papalapit sa gate ay pumunta ako sa batong paso na pabilog at doon muna umupo. Chill chill lang, syempre. Maha-haggard lang ang feslak 'ko e. May umupong mag-jowa sa kabila.

"Hinintay mo talaga ako para parehas tayong ma-late?" - Girl

"Syempre, baka wala ako tapos may umagaw sayo. Gusto 'ko akin ka lang" - Boy

Eww. Kung mag-rally kaya ako tapos nakasulat sa karatula " NO TO PDA!!" Lakas pa ng loob na dito maglandian sa tabi ng inuupuan ko e ano? Baka mamaya makita ko nalang naghahalikan na sila. Yak

Tinignan 'ko sila. I sigh in relief. Buti nalang mali ang iniisip 'ko dahil baka masampiga 'ko yan kahit hindi 'ko kilala.

Kahit pagmamay-ari ng mga magulang namin ang school na ito ay hindi pa din kami pwedeng mag-sigasiga dahil nagpapanggap kaming nerd. Di ko nga alam kung anong purpose ng pagpapanggap ng nerd e. Basta sinusunod lang namin si Mr. Naruse na nagmamanage sa amin. Minsan hindi namin siya sinusunod pero shh lang kayo ha.

Asan naba kasi si Rosé eonni? E si Jisoo eonni kaya? Si Jennie eonni? Late din kaya sila? Napakasama ko namang kaibigan kung hihilingin 'kong sana late din sila ano? Pero sana sana.

"Lisa!" - ay andito na pala si Rosé.

"Naku pasalamat kang bata ka at nahintay pa kita kundi jusko. Saan ka nalang pupulutin niyan, sa pwet ng baboy?" Ang mabunganga kong kaibigan. Bow

Maya-maya ay dumating na sila Jennie at Jisoo eonni. Ayos no. Nauna ang maknae line.

Pinapasok na kami ng guard at as usual yung isang ay binubungangaan nanaman kami hay walang sawa.

Welcome to Angel's Heart University

Four vs. Seven (BTS & Blackpink FF)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon