The tale of the tortoise and the heron

44 0 0
                                    

Ang kwento ng pawikan at ng tagak

Ito ay nabanggit sa aking lumang aklat, O mapalad na Hari, isang tagak ang nakamasid at nag-aabang sa tabing-ilog listong binabantayan ang daluyan nito. Ito ang kanyang hanapbuhay na masipag at masikhay niyang pinagbubuti para sa kanya at kanyang mga anak.

Habang hinihintay ang maliit na paggalaw ng tubig, nakita niya ang bangkay ng isang lalaking sunod sa agos nito. Bakas ang mga sugat mula sa espada at sibat sa buo nitong katawan, sinabi niya sa kanyang sarili: 'ito ay isang mandarambong na pinarusahan ng naaayon!' pumagaspas ito tanda ng pasasalamat kay Allah, sinabing: Mapalad siyang pumapaslang sa mga tulisan upang maging kapaki-pakinabang sa mga mabubuti!' Pipilas na sana siya ng laman mula sa bangkay para dalhin pauwi sa kanyang mga anak ng mapansin ang kalangitang pinalilibutan ng lupon ng mga buwitre at ng mga lawin na papalapit ng papalapit sa kanyang gawi.

Sa takot silain ng tila mga lobo sa himpapawid, siya at lumipad ng lumipad hanggang sa kanyang makakaya. Makalipas ang ilang oras, sa isang puno sa maliit na isla sa bukana ng ilog. Habang hinihintay niyang makuhang muli ang labi, nagsimula siyang isaalang-alang ang walang katiyakan ng buhay at pabago-pabagong pagkakataon. Sinabi niya sa kanyang sarili: 'Pagmasdan, kinakailangan ko ng lisanin ang aking sariling bayan at ang pampang kung saan ako lumaki, na siyang tuluyan ng making mag-iina. Isang walang kabuluhang mundo at sa nakararami lalo pa sa kanya na nagtitiwala sa pagkakataon at hindi iniintindi ang nakatadhana sa hindi magandang panahon. Ngunit hayaan niyo akong magtiis, sapagkat ang maalam ay laging may payo tuwing kasawiang-palad.

Habang siya ay abala sa kanyang mga iniisip, nakakita siya ng pawikang dahan-dahang lumalangoy papunta sa puno. Ini-angat nito ang kanyang ulo at nakita ang tagak humihiling na sana mabuti ang lagay nito. 'O tagak', tanong niya, 'anong nangyari at nakita kita dito, malayo sa pampang na tinutuluyan mo?' Sumagot ang tagak:

Kung sa iyong duta at nakalulugod na tinutuluyan
Ay may dumating na di kaaya-ayang mukha
Huwag mong subukang palayasin bagkus ay lisanin
Ang tirahan at humanap ng bagong lupain

Magaling Pawikan. Tanaw ko ang dati kong tahanan na pinaliligiran ng tila mga lobo sa himpapawid, sa halip na guluhin ng di kaaya-ayang mukha, mas pipiliin kong kusang umalis hanggang sa kahabagan ako ni Allah.'

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Dec 08, 2017 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Ang Kwento ng Pawikan at ng TagakTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon