Rainne's POV
"Bye ma! Alis na po ako!" Sigaw ko kay mama na ngayon ay nasa sala. "Sige ingat!" Sabi niya at nag patuloy na sa panonood.
Pag labas, sumakay na ako sa backseat ng kotse at hinintay na lang ang driver na mag start.
Habang nasa byahe, nararamdaman kong bumibilis ang tibok ng puso ko. Hindi ko alam kung bakit. Wala naman akong alam na mangyayari ngayong araw na hindi maganda para magpakaba sakin? baka may recitation lang kami kaya ako kinakabahan.
Pag dating, dumeretso na agad ako sa room namin. Nakita ko agad ang mga kaibigan ko. Lumapit ako sakanila at naupo.
"Kumpleto!" Loko ko sakanila. Bakit? Totoo naman ih! Kumpleto kami!
"Edi wow!" Sigaw nilang lahat. Yan! Yan ang line nila! Yan ang magic word nila eh! Favorite na talaga nilang inaasar sakin yang line na yan.
Napatingin ako kay Ivan. Tahimik siya at nakatingin sakin, or let's just say na nakatitig? Luhh! Nyare dito? Buti na lang gwapo siya.
Buti na lang crush ko siya.
"Problema mo?" Kunwaring naiinis na tanong ko sakanya pero deep inside kinikilig akes.
Napatingin ang iba pa naming kaibigan samin. "Ah-ahh a-ano wa-wala!" Kamot batok niyang sagot. Nag katinginan naman kami nila Nadia Turner, Maddie Ziegler, Neyah Manalo, at Loren Gray. Pati na rin ng boy's, sina Carson Leuders, Raven Sartorius, Zach Orlando, at Hayden Sabastian. Diba! Mga pangalan palang mayayaman na! HAHAHAH! mayayaman kasi talaga mga kaibigan ko, lalo na si Ivan Clayton. Siya pinakamayaman samin. Pero ako? May kaya lang kami. Hindi mahirap, hindi mayaman. Pero kahit ganon ay hindi nila ginawang dahilan yun para layuan ako.
Nag tataka ang tingin ko sakanila pero iba ang tingin nila sakin. Parang nakakaloko. Tiningnan ko pa rin sila ng nagtataka. Bat sila nakatingin ng ganyan samin?
"Nyare senyo?" Tanong ko sakanila. "Wala!" Sabay sabay nilang sagot at nag tawanan maliban saming dalawa ni ivan. Hala! Nababaliw na tong mga to!
Napasapo na lang ako sa noo ko. Baliw na talaga tong mga kaibigan ko!
Maya maya pa ay dumating na ang adviser namin. Nag discuss lang naman siya kaya hindi hassle. Pagkatapos mag turo, snack na at nag punta na kami sa cafeteria. Asusual, ang mga binili namin ay: mga chitchirya, bread's, softdrinks, bottled water, at tag iisang burger.
Syempre, dun kami sa tambayan namin. Sa likod ng cafeteria may pabilog na lamesa na gawa sa semento pati upuan na nakadiretsong pabilog na gawa din sa semento. Dun ang tambayan namin. Maginhawa kasi dito tapos napapaligiran pa ng garden.
Pagkaayos ng mga pagkain umupo na kami at nag simulang kumain habang nagkwe-kwentuhan.
"Huy! Akin yan!" Biglang sigaw ni Neyah. Hahahahha! Nag aaway na naman sila ni Hayden. Kinuha kasi ni Hayden yung burger ni neyah. Palibhasa may crush sa isa't isa. Baka nga LOVE na nila isa't isa eh! "Palit tayo! Gusto ko maanghang! Hindi nilagyan ng hot sauce yung akin eh!" Sagot naman ni Hayden habang nakangiti.
Nag pout na lang si neyah at kumuha sa chitchirya. "Uhhh. Guys? Alam niyo, minsan napapaisip ako. Ang tagal na pala ng pag kakaibigan natin no? Almost 6 yrs na. Kung mag kakaroon man ako ng wish about sa tropa natin, sa friendship natin, yun ay sana, Tumagal pa lalo ang friendship natin. Sana, hanggang forever na tayo. Sana, Wala makakasira satin." Biglang sabi ni Maddie. "Uhhhh!" Sabay sabay naming sigaw maliban kay Maddie at Ivan. Palibhasa laging seryoso tong si Ivan eh.
BINABASA MO ANG
The Haunted Mansion
KorkuIsang mag ba-barkada ang naparusahan para linisin ang isang luma, madumi, at nakakatakot na mansion. Ang akala nila ay mapapadali ang parusa dahil madami naman sila pero nag kakamali sila. Dahil hindi na nila alam kung makakaalis pa ba sila sa MANS...