Chapter 23: Don't

285 11 1
                                    

Josh Angelo's POV

"Sir Josh, gumising na daw po kayo sabi ng Mama niyo at male-late na daw po kayo sa school." narinig kong sambit ng kasambahay namin na si ate Del.

Hindi muna ako bumangon dahil tinatamad pa ako kaya't umayos na lamang ng higa at tumingin ako sa kisame.

Nitong nakaraang araw talaga, medyo tinatamad na ako pumasok sa school. Paano ba naman, mag iilang araw na din akong iniiwasan at tinatarayan ni Lei. Pero ayos lang kahit hindi, kasalanan ko naman diba. Namin.

Maya-maya pa'y tumunog na yung alarm clock ko.

"Aish 7:30 na." mahinang sabi ko sa sarili ko.

Bumangon na ako at nag ayos ng sarili pa punta sa school namin.

• • •

Bago ako tuluyang pumunta sa school namin dumaan muna ako sa unit ni Daddy, halos araw-araw ko na rin naman 'to ginagawa dahil wala lang. As usual hindi mawawala ang mga paalala nila saakin, bigla nalang silang nag higpit saakin. OO mas mahigpit pa sa mahigpit hindi ko alam kung bakit, minsan tinatanong ko sila pero nag iiba lang sila lagi ng topic. Hays kung ano ano mga trio neto e.

Pagka pasok ko sa unit ni daddy hindi ko inaakala na nadun din si Kuya JJ.

"Oh Jolo, buti naman dumating ka na kanina pa kita hinihintay e, late ka na." anito bago kuhain ang bag niya't tumayo.

Nung araw na nga pala na nasa tapat kami ng library, may sinabi siya saakin.

Tungkol yun sa pagiging member niya sa gang ng kuya ni Lei, na tanggal na daw siya at yung nadagil ko na medyo malambot na basa ay benda pala sa mga sugat niya siguro ay binugbog siya dahil sa ginawa niya.

Kahit ako naman, nakaramdam ng galit dahil sa ginawa niya. Syempre mahal ko si Lei, pero kapatid ko din naman si Fortaleza kaya ganun.

"Aish, tinatamad kasi ako pumasok kuya." sabi ko.

"Aba itong batang 'to. Paano ka magiging tagapag mana ng companya ng nanay mo kung ganyan ka? How will you manage the company? Mano mano?" nakapamaywang na sermon sakin ni Daddy. aist.

"Joke lang daddy." medyo tumawa pa ako pero peke.

Tama din naman si Daddy, kailangan ko pa tulungan si Mama e.

Pagkatapos ng kaunting usapan ay nag drive na ako papuntang school, kasama si Kuya. Halos tahimik lang buong biyahe dahil naka on naman ang radyo.

Habang nag papark ako ng kotse may napansin akong bagong sasakyang padating.

Wow yaman, bago 'to ah.

Mag pa-park na sana ako ng bigla itong bumusina saakin.

~beep beep~

"Reserve yan sa maganda,"

Nanindig nalang ang balahibo ko sa katagang nakinig ko.

Kelan pa siya na-tuto mag drive? Bago nga. Lalo tuloy akong nain-love kahit na tinatarayan niya ako.

Iniurong ko ang kotse ko peri bago ako tuluyang mag park sa medyo dulo, binuksan ko muna ang bintana ko.

Falling in Love to a Childish [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon