Chapter 24: Just

319 9 0
                                    

"Baby please. don't."

"Pero Jos---

Hindi ko siya pinatapos sa pagsasalita at agad na niyakap. Ramdam ko ang pag pupumiglas niya pero hindi ko siya hinayaang makawala. Damn, Lei kung alam mo lang kung gaano kita ka miss.

Nakaramdam ako ng muling panghihina pero wala na akong pake gusto ko lang mayakap siya. Maya maya pa ay nakawala siya sa yakap ko.

"Gelo huhu sorry.." sabi niya.

Ngumiti ako, "Pwede bang kunwari masaya ako? kunwari okay lang ako, kunwari wala akong problema." huminga ako ng malalim. "Okay lang din ba kung isipin kong kunwari mahal mo din ako? Kunwari lang naman e." ramdam ko nanaman ang muling pagagos ng mga luha ko.

"Mahal naman kita Geloo huhuhu.. kaso nakaka ouch din yung ginawa ni Jayson! huhuhu." humagulgol nanaman siya ng parang bata na sobra kong namiss.

Teka.

Ano daw?

Mahal niya din ako?

Damn. Ang tagal ko ng gusto marinig yun.

"T-teka. totoo ba yan?"

"Alin?" pinahidan niya ang luha niya.

"Na mahal mo din ako?" agad naman siyang tumango.

"Iiyak ba ako dito nung nalaman kong may sakit ka kung hindi totoo?" medyo hinampas niya ako ng mahina sa braso. "Dapat mag pagaling ka ha! Ang kulit mo kasi!" sermon niya sakin.

"So tayo na?" tanong ko na wagas ang pagkakangiti.

Ngumuso siya saakin. Umayo ka Lei naakit ako.

"Di ka manliligaw?"

"Kailangan pa ba? baka masayang araw ko? Araw-araw naman kitang liligawan e. Wag ka magalala." hinaplos ko ang pisngi niya.

"H-huh? masasayang? bakit n-naman?"

"14 months." tipid kong sambit.

"Anong meron sa 14 months Gelo?"

"basta 14 months." ngumiti ulit ako sakanya. Hinalikan ko siya sa pisngi at niyakap muli ng mahigpit.

• • •

"Geloooo! Ano nanaman ba yan! Mag papagod ka lang diyan e! Pumunta ka dito hoy!" tawag niya sakin.

Hays sungit ng girlfriend ko pero ayos lang. Aaminin ko na hindi ako sanay na nag susungit siya dahil sa pagka childish niya ako sobrang in love.

Lumapit ako sakanya at hinalikan siya sa labi pero smack lang yun. Agad namang naghiyawan ang mga kaklase namin.

Kasalukuyan kaming nasa Resort ngayon, kasi napagtripan naming mag mini reunion ng mga kaklase ko nung highschool, matagal na din naman kasi kaming nag pa-plano ng ganito kasi napaka galing naming lahat mag drawing kaya walang natutuloy.

"Ang kulit mo 'no?" medyo hinampas niya ako sa may abs ko. Naka shirt ako pero bakat yun ganun talaga sexy e. ugh. HAHAHA.

"Aray ko naman abs ko."


"Hoy Josh Angelo! wala kang abs FYI!" aish ayan nanaman nag susungit na. "Swimming ka ng swimming jan alalahanin mo yang lagay mo ha."

"Sorry na baby, sarap ng tubig e tara mag s-swimming?" ngumiti ako ng wagas.

"Nilasan mo?" aba nambabara? awts.

Falling in Love to a Childish [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon