Yun Lang Ba Talaga?

395 13 1
                                    

A/N Para sa mga taong naghihintay ng text galing sa isang tao. :) Enjoy!

~~~

Naglalakad ka pauwi noon galing sa tindahan malapit sa inyo. Bigla namang tumunog ang cellphone mo at agad mo namang binilisan ang pagkuha nito sa bulsa mo. Aminin mo man o hindi, inaasahan mo nanaman na ang text ay galing sa kanya. Kahit na alam mo namang minsan galing lang ito sa 4438 o di kaya isang unknown number lang pala. Pero ngayon, himala, tama na ang hula mo.

Suddenly, a smile starts to form on your face unconciously. Napailing-iling ka naman agad. Bakit ka napapangiti ng mag-isa ngayon? Siguro nga wala lang yun. Sabi mo agad sa sarili mo. Pero yun lang ba talaga?

Tinatanong mo na ngayon ang sarili mo kung dapat ka bang magpaload o hindi. Hinihintay mo na lang ang susunod na text niya pero wala nang dumating. Iniisip mo na nga kung para sa'yo ba talaga yun, or baka gm lang. Kung naghello siya sa'yo kasi gusto ka niya talagang makausap or baka bored lang talaga siya at ikaw na lang ang natitirang pwedeng itext sa buong mundo. Napailing-iling ka na lang. Ayan na. Magpapaload ka na nga. Pero diba hindi para sa kanya? HIndi nga ba? Yun lang ba talaga?

Napahiga ka sa kama mo sabay buntong-hininga. Kakaunli mo lang at hindi mo alam ang sasabihin mo sa kanya. Itetext mo ba talaga siya? Paano kung hindi siya magreply? Paano kung isipin niyang may gusto ka sa kanya? Paano kung.. Madaming paano kung ang sumabog sa isipan mo. Pero tinext mo pa rin siya kahit alanganin. Nag-isip ka na rin ng mga pwede niyo pang pag-usapan in case mawalan kayo ng topic. Inisip mo na rin kung ano ang mga posible niyang sabihin at kung ano ang mga dapat mong sagutin. Napapangiti ka nanaman nang mag-isa habang ginagawa ang script niyong dalawa. Sinend mo na ang 'hello' na text mo sa kanya. Pero yun lang ba talaga?

Natuwa ka nanaman at agad siyang nagreply. At dun na nga nagsimula ang inyong mga kwentuhan at usapan. Pero habang tumatagal ang oras, bumabagal din siyang magreply at patuloy din ang pag-iksi ng mga text niya. Gusto mong tanungin kung bakit. Pero isang smiley face na lang ang sinend mo sa kanya. Yun lang ba talaga?

Bawat agwat ng oras na hindi pa siya nagrereply, mas lalo mo lang nararamdaman na umaaasa ka lang sa wala. Nakatingin ka lang sa'yong cellphone at hinihintay na ito ay umilaw at ilabas ang pangalan niya. Bawat minuto, bilang na bilang mo.  At bawat minuto, mas lalo kang nakakaisip ng mga posibleng dahilan kung bakit hindi na siya nagreply sa'yo. Siguro nga busy lang siya. Pero paano kung may iba na pala? Hindi, pinilit mo pa rin sa isipan mo na baka busy nga lang talaga siya. Yun lang ba talaga?

Huminga ka nang malalim. Isang oras ka nang naghintay pero wala pa rin talaga kahit isang blank message lang. Iniisip mo na sana hindi ka na lang nagpaload. Sana hindi mo na lan siya tinext. Sana hindi ka na lang talaga umasa pa. Naisipan mong patayin na lang ang cellphone mo para matapos na ang patuloy mong pag-asa sa wala. Pero sakto naman siyang nagtext. Ang sabi niya pa ay 'SLR.' Agad ka namang napangiti at agad na nagreply sa kanya. Nagsimula nanaman 'yang serye niyong dalawa. Kahit hindi nasunod ang script, at least nakakausap mo pa rin siya. Kahit na ba naghintay ka lang at umasa. Kahit na ba marami nang nagbago sa inyong dalawa.

Kahit na.. napapatanong ka na lang kung yun nga lang ba talaga.

Yun Lang Ba Talaga? (OS)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon