MAY 15 2014
Tiningnan mo yung cellphone mo para malaman mo kung anong oras na. Nakita mong 7:00 am lang. Napangiti ka dahil 7am palang, ang ingay na ng kapatid mo. Bumangon ka. Kakagising mo palang, may hawak ka na agad na cellphone.
"Cassie! Wala ka ba talagang WiFi dito? Ang yaman-yaman niyo, walang WiFi!" Sigaw mo para marinig nung 6 years old na bata.
"Ate Chell, wala nga po kaming WiFi! SIRA!" Napanguso ka naman. Gusto mo lang naman kasi malaman kung anong ginagawa ng mga "asawa" mo ngayon. Gusto mo lang ma-check yung instagram nila.
Oo nga pala. Nakalimutan kong sabihin. Nasa bahay ka ng best friend ng kapatid mo. Sinama ka lang naman ng kapatid mo na si Gaille dahil walang magbabantay sa kanya. Nag-sleepover sila. Sa isip mo nga ay So ano ako? Yaya?.Ang tanging pag-asa mo nalang para makakuha ng updates ay ang ate mo na nasa Quezon city ngayon. Long distance relationship kayo. Syempre, college na ate mo at ikaw ay high school palang.
Ite-text mo na sana yung ate mo nang bigla mong maalala na wala kang load at 7am palang. Sure kang tulog pa yun dahil madaling araw siya natutulog. Akala mo call center agent.
Dumiretso ka sa banyo. Oo nga pala. Solo mo yung de-aircon na kwarto. Syempre, nagpa-cute ka sa ina ni Cassie (Yung best friend ng kapatid mong si Gaille).
At na-mention ko na bang favorite ate ka ni Cassie?
You did your business sa cr tapos lumabas na. Nagsuot ka ng pang-alis dahil naalala mong may pupuntahan kayo ni Cassie at Gaille ngayon.Recital kasi ni Cassie ngayon. Nagba-ballet siya.
Tiningnan mo yung phone mo kung nag-text na ba sayo ang ate mo pero ni isa ay wala. Nagtataka ka dahil araw araw naman siyang may load at lagi ka niyang kinukullit. 8:30 na kaya for sure ay gising na yun. Lagi ka kayang kina-Caps ng ate mo sa text.
Pumunta ka sa tindahan at nagpaload ng unli text.
May problema ba?
***
Nasa mall ka ngayon. Malakas ang speakers at parang sasabog na ang eardrums mo. This is another reason why ayaw mong sumama. Ayaw mo sa maiingay na places at hindi mo naman style ang music na pine-play nila.
Sabagay, KPOP yung style mo.
Tiningnan mo ulit yung cellphone mo na ang wallpaper ay isang picture ng bias mong si Lay. Napangiti ka pero bigla mo namang naalala yung ate mo.
Nag-ring ang phone mo at nagulat kang si ate mo yun kaya sinagot mo kaagad.
Hindi mo man binasa ang caller's I.D dahil sa icon palang ay alam mo nang si ate 'to. Eh papaano. Yung bias ng ate niyang si Chanyeol ang contact icon eh."Hello? HELLO?" May narinig kang mga hikbi sa kabilang linya.
"Hello?"
Hello ka ng hello pero hindi mo siya masyadong marinig.
Oo nga pala, nasa maingay kang place.
Nag-vibrate ang phone mo at isang text naman ito galing sa ate mo.
["Fvck. Chell! We need to talk. May big news akong sasabihin sayo."]
Kinabahan ka naman bigla.
"Tss. Nasa mall ako ngayon. Text ka nalang." Still, naninibago ka dahil walang 'omg' o kaya hindi naka-Caps.
["CHELL! Dammit. Alam mo bang nagpa-file si Kris ng lawsuit? Alam mo bang kanina pa ako iyak ng iyak dito? ALAM MO BA NA PINAGALITAN NA AKO NI LOLA DAHIL BAKIT DAW PURO TISSUE YUNG BASURAHAN? Chell. I need to fvcking talk to you."]
Tinaas mo yung kilay mo. Hindi mo kasi alam yung meaning ng lawsuit. In-open mo yung websters dictionary sa phone mo at sinearch ang meaning nun. Nanigas ka.
lawsuit
: a process by which a court of law makes a decision to end a disagreement between people or organizations
Nakita mo naman tumatawag ulit ang ate mo pero this time ay hindi mo sinagot. Tumayo ka at pumunta sa comfort room.
Sabihin man ay over reacting pero bakit? Alam ba nila kung gaano mo minahal yung taong yun kahit wala siya sa top 10 ng bias list mo?Alam mong nangyari na ito before sa DBSK pero hindi ka pa kasi fan nun. Nalaman mo lang yung nung naging fan ka and you feel so sorry about it. Sabi mo pa nga ay ano kaya ang feeling nun? Sobrang sakit.
Habang nasa cr ka ay tumawag nanaman sayo ang ate mo. Sinagot mo ito.
***
Nasa bahay ka na. Nagkulong sa kwarto mo. Tiningnan mo ang tumblr dash at puro si Kris at OT12 ang nakikita mong posts. Mas lalo kang naiyak.
"Bakit?" You kept on muttering that word.
Bigla mong nakita sa tumblr dash mo ang video ni Suho. Pinanuod mo ito at sobrang nasaktan ka.
Nakita mo yung fake smiles niya at kung gaano siya nasasaktan.
Kumuha ka ng isang papel at sinulat duon,
May 15 2014
Darkest day.
Tinupi mo iyon habang pinipigilan ang sarili mong umiyak.
Nakita mo ang picture ni Chanyeol na umiiyak, napakinggan mo ang audio na rinecord ng isang fan. Nasaktan ka sa audio na iyon dahil sa narinig mo si Tao kumanta habang sobrang lungkot niya. At habang kinakanta niya ang Christmas Day, parang iba ang pinapatama niya. Hindi ang pasko kundi ang taong tinuring niyang kapatid. Ang taong kasama niya since pre debut.