CHAPTER - 57

6.2K 210 18
                                    

[ Chapter 57 ]

------------------------------------------------
Savanah's POV

"Ouch!"

Pagkatayo ko bigla akong napahawak sa ulo ko. Argh! hang over!

Napatingin ako sa paligid at biglang may naalala.

'Bakit nga pala nandito na ako sa dorm?'

Ang naaalala ko nasa court ako para habulin si Kennedy at... oo nga pala nakita ko kung pano halikan ni Trisha si Kennedy kagabe.

Dahil sa naisip ko ay biglang kumirot nanaman ang puso ko. Napatingin ako sa katabi ng kama ko at tulog parin si Cassidy.

*Tok tok tok*

Napalingon ako sa pinto ng may kumatok. Dumiretso na muna ako sa banyo para maghilamos at madaling nagtoothbrush pago magtungo sa pinto at buksan ito.

"Goodmorning Savanah!"

"Musta pagtulog mo?"

Napakunot-noo ako sa dalawang babaeng to. Ang saya ata nila? ano meron?

"Anong nakain niyo at ganyan yata kayo kasaya Aaliyah at Abygail ha?" Tanong ko at lalo silang napabungisngis na animoy kinikilig. Sasaraduhan kona sana sila ng pinto ng pigilan nila ako.

"W-Wait! may nangyare kaya kagabe?" Napatigil ako sa biglang tanong ni Aaliyah habang nakangisi.

"Aba ewan ko?! Anong bang nangyare kagabi?"

Omg! wala akong maalala sa nangyare kagabe basta ang alam ko lang yung naghalika----Erase! ayoko ng maalala.

"Papasukin mo muna kaya kami? may pagkain ba kayo dyan? hindi kami nakapagluto at kala namin may pagkain kila Jiahn kaso tulog pa pala sila." Napa-pokerface nalang ako sa sinabe ni Abygail at pinapasok na sila.

"Ghaaad! tulog parin si Cassidy?"

"Obvious ba?" Pagsusungit ko at dumiretso sa kama. Antok pako e...

"Sungit neto. Grabe yung nangyare kagabe, hahaha! buti nalang hindi pa ako gaano lasing kaya naaalala ko pa." Tinaasan ko ng kilay si Aaliyah. Iniinis talaga ako e no!

"Bakit hindi niyo nalang diretsuhin ah? kulet!"

"Okay! okay!" Itinaas ni Aaliyah ang kamay niya. "Diba umalis ka kagabe? tapos kinabahan na kami kase hindi kana bumalik. Yung tatlo namang lalaki lasing na kaya kaming tatlo ni Cassidy ang naghanap sayo." Wika niya.

"Oo. Tapos hinagilap ka namin kung saan-saan pero wala ka kaya nagpasiya kaming bumalik. Dahil sa tinamad kami dumiretso kami sa dorm niyo dahil baka nandun ka pero wala parin kaya nagantay nalang kami sa labas. Tapos sa pagaantay namin nagulat kaming tatlo na may lalaking buhat-buhat na babae, kaya kinabahan na kami nun at wala pa kaming dalang pang-laban kaya naging handa nalang kami pero nagkamali kami dahil si sir Kennedy pala yun at ikaw ang buhat-buhat niya." Ngiting sabi naman ni Abygail.

"T-Tapos?"

******
Aaliyah's POV

"S-Sir Kennedy?" Gulat kong tanong ng makitang buhat-buhat niya si Savanah.

"Wag kayong magalala wala akong ginawang masama sa kanya. N-Nakita ko siya sa court habang kasama ko si Trisha at nagulat ako ng bigla siyang napaupo at nawalan ng malay.." Wika nito at may nakikita akong pagalala sa kanyang mga mata.

Lihim akong napangiti kase hindi niya pa nalilimot si Savanah at ramdam kong may gusto parin ito sa kanya. Ang taong mahal niya...

Nagulat nga ako ng makita siya kanina na siya pala ang bisita sa graduation namin. Labis kong iniisip na ang laki na ng pinagbago niya, naging palangiti siya at lalong gumwapo dahil sa maporma niyang suot. Pinanlisik konga ng tingin yung babaeng nakahawak sa kanyang braso ng paakyat na sila ng stage kaya nagaalalang tinignan ko nun si Savanah at pati narin siya ay nagulat at hindi na napigilang maiyak.

The Evil University(COMPLETED)Where stories live. Discover now