A/N:
Hindi po sa akin itong story na ito, I just posted this for my friend. :) He doesn't want to create his own account nor be known. He just wants to share his short story. Sana po magustuhan niyo story niya! ^_^ Don't forget to:
✔ VOTE! ★
✔ Leave a comment and tell me what you think about my friend's story :)
✔ Maybe even read my story or follow? Hehehe :D
Have a great day!
~ Emma :)
~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~
Ako si Clarisse Valena
Ako si Ryan Silva
Isang guro
Isang pintor
Simple lang ang buhay ko pero masaya. Meron akong asawa at dalawang anak.
Simple lang ang buhay ko at malungkot. Nabubuhay akong mag-isa sa apartment.
Masaya ako sa’king trabaho dahil yun ang passion ko. Masaya akong nagtuturo sa mga estudyante ko at masaya din akong nakikipag-bonding sa mga gurong tulad ko.
Pagpipinta lang ang ginagawa ko palagi dahil ito lang ang alam kong gawin, wala ng iba. Dito ko lang nasabi sa sarili kong magaling ako kahit pa madaming nagsasabi na walang kwenta, pangit, hindi maganda – puro negative comment. Hindi ko pa rin tinitigil dahil kahit papaano napapangiti ako pag nakakagawa ng masterpiece.
Mahilig mangolekta ang asawa ko ng painting. Pinupuno nya ang poste namin ng mga painting na binibili nya. Kapag pinagmamasdan ko ang mga yun isa lang ang naaalala ko. Si Ryan. Ang taong bumago ng buhay ko at nagturo sa’king mangarap.
Si Clarisse Valena. Ang first love ko at bumago sa buhay ko, nagturo sakin kung ano nga ba talaga ang buhay – what we do and why we’re living.
15 years old ako ng magkakilala kami.
16 years old ako nung makilala ko siya.
Sa youth ministry ng Church ko hanggang ngayon.
Sa youth ministry ng Church ko dati.
Si Ryan, siya ang cell leader ko.
Si Clarisse ang isa sa mga pina-handle sa’king cell group ng leader ko.
Magaling na leader si Ryan. Ginagawa niya lahat para matulungan ang mga ka-member niya, palagi niyang ineencourage at pinapangiti. Madalas din niya kaming pinagsisilbihan at pinoprovide ang mga pangangailangan.
Nakakabless maging member si Clarisse. Dahil makikita mo talaga sa actions niya na willing siyang mag-grow spiritually. Mabait din ‘to, tahimik, makulit at madaling pakisamahan.
Pero merong dark side si Ryan. Nung nalaman ko yun, don ako nahulog sa kaniya.
Yung oras na kinwento sakin ni Clarisse ang buhay niya, iyon din ang oras din na nagustuhan ko siya.
Lahat ng sinasabi niya kabaliktaran, mga pinapakita niya sa’min hindi talaga siya. Kung ang daan namin tinutuwid at inaayos niya, ang daanan namang tinatahak niya ay bako-bako at sira-sira. Palagi niya kaming pinapangiti at pinapasaya pero ang loobin niya ay sobrang lungkot. Kung hahalukayin at pipilitin mong makapasok kay Ryan makikita mo ang puso niyang walang tigil sa pag-iyak.
Nung bata pa si Clarisse hanggang sa maging member siya ay nakapag-usap kami ng seryoso, doon ko nalamang people pleaser siya. Yung tipo ng taong ginagawa lahat para lang maaccept at mahalin siya. Dahil siya yung tipo ng taong takot mag-isa. Takot maging malungkot kahit alam naman niya sa sarili niyang malungkot talaga siya.
Ang buhay nga naman. Walang kasiguraduhan kung saan ang paroroonan. Simulang hindi inaasan katapusang gustong maging wakas ni sa hinagap ‘di pa rin pala malalasahan.
Multong ako lang ang nakakakita. Multong pilit kong kinalilimutan. Multong sumira ng aking buhay.
Ang taong nagbigay kulay at kumpiyansang ang paglipad ay makakaya. Nang ang pakpak ay handang handa na sa pagbuka kasabay ng talon ng may saya at paghakbang ng may tiwala sa taong nagturong paglipad ay iyong magagawa. Sa pagpagaspas ng katanyagan iyo ng matatamasa kalungkutan at hinagpis ang tumalo sa iyong sigla.
Multong wala nang ginawa kundi ako’y takutin. Ako’y linublob sa balde ng nakaraan. Kasabay ang bigat ng pagbuhat sa araw-araw na dalahin.
Ang taong minsang nagbigay pangarap sa lupa pala niya balak tumira. Taong tinanaw kasama nang iyong kinabukasan, sa pangarap na binuo ‘di pala siya katuwang. Siya na mismong nagturo’y walang dunong sa ‘di marunong niya’y minarapat makulong. Habang ikaw na lahat ay sinunod, sa ere kang naiwang lunod sa lungkot.
Taong nagturong magmahal, mabuhay at mangarap. Taong umiwan nang siya’y pinakakailangan. Ikaw na dati’y masaya napalitan ng pagkalungkot at nagawang umiyak. Ngunit punasan ang luha dahil kailangan pang labanan ang buhay. Sabihin pang ikaw man ay walang pinaglalaban pero humihinga ka pa din at kahit anong mangyari kailangang magpatuloy dahil pagtapos nito ang walang hanggang kasiyahan na iyong makakamtam sa kalangitan.
