Chapter 1

35 1 0
                                    

“Good Morning Ms. Anastasia.” Bati sakin nung driver namin.

Sinundo nya ko dito sa Airport. Ayoko naman talagang umuwi dito e. Ang sarap-sarap ng buhay ko sa States. Maganda naman ang Philippines kaso, sanay na ko dun.

“Excuse me, Manong. Asan si Dad?” tanong ko.

“Nasa trabaho po siya ngayon, kaya hindi ka niya po nasundo. May inaayos siya sa company nyo.” Sagot sakin ng driver namin.

“Hindi ko rin naman gustong sunduin nya ko. Bilisan mo na para makauwi na tayo!” utos ko kay Manong.

Ganyan naman siya simula dati, wala siyang inintindi kung hindi yung kompanya namin. Dahil sa kanya nasira ang pamilya namin.. dahil sa pera niya.

Hindi pa pala ako nagpapakilala, I’m Anastasia Do. Seventeen years-old. Maganda, maputi, mayaman at masama ang ugali ko. At proud ako dun.

Saglit lang at nakarating na kami sa Mansion namin.

Masarap ang hangin dito, hindi katulad dun sa States, sa bahay ko dun.. Panay simoy ng Aircon ang naaamoy ko!

Nakahalera na ang Maids sa pintuan para i-welcome ako.

“Good Morning Ms. Anastasia.” Sabay-sabay na sabi nila.

Nilapitan ko si Manang Claire, yaya ko na siya simula bata pa ko.

“I want Cheesecake. Urgent please.” Sabi ko sabay diretso sa taas.

Sana maging maganda ang pag-stay ko dito.

Gusto ko din makalimot. Sa sakit na iniwan sakin ni Charles.

Pakshit sya!

-----

/HELLO! Sana magustuhan nyo ‘tong story ko! =) Thank You. PLEASE VOTE. <3

The Anastasia's DiaryTempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang