"Sa panaginip nalang pala kita maisasayaw..."
Ako si Allyn, 15 years old. Nakahiligan kong sumayaw, dahil na siguro ang aking mga mata'y maagang namulat sa makulay na mundo ng pagsasayaw. Maagang nawala ang aking ama, nagkaroon kasi siya ng kumplikasyon sa paghinga hanggang sa hindi na niya makayanan ang sakit na kanyang nararamdaman. Ang aking ina naman ay maaga ding nabiyuda pero di niya napagtanto na mag-asawa muli dahil mahal na mahal niya talaga ang aking ama. Siguro sa kanya ako nagmana pagdating sa pag-ibig ..
Nakilala ko tong si Dianne nung nag reunion ang aming mga magulang . nakakabighani ang kanyang angking ganda, napakabait , matalino at ang pinakanagustuhan ko sa kanya ay ang mala-anghel niyang mga ngiti . :"> ( naman oh !)
Mahilig din siyang sumayaw tulad ko . At mahilig din siyang kumanta .
Close na close ang aming mga nanay , at nagkataong ninang ko ang nanay niyang si Tiya Barbara ( watta small world !)
Noong una kaming nagkita , medyo nahihiya pa kami sa isa't-isa .. Ngunit makalipas ang ilang minuto ay nag-open up ako sa kanya ng topic .. ( para di naman masyadong boring noh )
"anong pangalan mo ?"
"Ako nga pala si Dianne .. Dianne Belbider"
"Aaah , ikaw ba yung anak ni Tiya Barbara ?"
" hmm.. oo , ako nga , ikaw ? anong pangalan mo ?"
"ako nga pala si allyn cubero , tawagin mo nalang akong allyn."
" aah , ikinagagalak kitang makilala allyn.. nabanggit ka na saken ni mama."
" Oh ? talaga ? anong sabi ni ninang sayo ?"
"sabi niya pag nakilala raw kita , talagang magkakasundo tayo , eh kasi andami daw nating similarities tulad ng pagsasayaw.. "
"ayy, aahaha . actually , andami ko nang nasalihan na mga patimpalak . sumali ako recently sa juicy dance search for the next superstar at sa awa ng Diyos , eh , ako ang tinanghal na champion ."
" mabuti naman , gusto mo minsan punta ka sa bahay , sayaw tayo"
"osige ba . basta wag lang weekdays ."
" sure ! teka , hinahanap na ako ni mama , mauna na ako ha ? paalam !"
"paalam ! ingat !"
Simula noon , naging masaya na ang weekends ko , pano kasi , tuwing sabado at linggo kami nagkikita . Paminsan, nag-eensayo kami sa bahay nila , minsan sa amin .
Kada linggo naman , sabay kaming pumupunta ng simbahan . Basta, sabay naming ginagawa ang bagay-bagay (sweet namin noh ? haha)
Palagi niya akong tinuturuan ng mga bagong techniques sa sayaw , tinuturuan ko din siya minsan .
At sa tagal ng pagsasama namin , doon ko naramdaman na mahal ko si Dianne . Pero di ko lang pinapahalata sa kanya , baka masira ang pagiging mag-kaibigan namin pag sinabi ko na mahal ko siya at gustong-gusto ko siya ..di bale na , sa susunod ko nalang sasabihin pag handa na ako ."
Isang araw , habang nag-uusap kami tungkol sa LOVE , na-slide ang dila ko't nasabi ko sa kanya ang di dapat sabihin .( anak ng tokneneng oh ! ano kaya ang magiging reaksyon niya ?)
here it goes mhen ..
Dianne: musta na ang love life mo ngaun allyn ? haha
Allyn : eto, napakatahimik.
Dianne : talaga lang ha ?
Allyn : sa totoo lang , may nagpapatibok ng puso ko eh , kaso di niya pa alam kung ano ang nararamdaman ko sa kanya . tsaka nahihiya akong sabihin sa kanya ang tunay kong nararamdaman ...
Dianne: haha . sino ba yung swerteng babae na yun ?
Allyn : *whispers* ikaw ...
Dianne : teka lang ah , may pinapautos sa akin si mama eh ..
Makalipas ang halos apat na oras at parang mag-gagabi na , eh , sa wakas ay may lumabas na din .. pero di si dianne ang lumabas kundi si tiya Barbara .. Sabi niya umuwi na raw ako't gabi na , sabay abot ng sulat .
" ano po ito ?"
" ipinapaabot ni dianne sa akin yang sulat , eh , ang bilin niya saken ay huwag mo daw muna buksan . hintayin mo munang lumipas ang isang linggo ."
Sinunod ko naman ang mama niya at umuwi na ako , ngunit nagtataka ako dahil minsan lang nagbibigay si dianne ng sulat , lalo na't kapag may problema siyang dinadala at di niya kayang sabihin sa akin ...
Baka may mabigat nanaman na problema ngayon si dianne ..
naku . naku . naku
pero kahit ganoon ang iniisip ko , sinunod ko parin ang bilin ni tiya Barbara ..
Pitong araw ang lumipas nang mabalitaan kong lumipat na pala sila Dianne sa Cebu . Halos mangiyak-ngiyak akong umuwi ng bahay . Naalala ko ang sulat ni dianne para sa akin , agad agad akong pumunta sa kwarto at hinanap ang sulat na yaon .
* bubuksan ko ba o hindi ? bubuksan o hindi ? bubuksan ko nlang *
ito ang nakapaloob sa sulat :
Mahal kong Allyn ,
Ginawa ko tong sulat na 'to di dahil magpapaalam na ako sa'yo . Ginawa ko ito para ipaalam sayo ang nararamdaman ko .
Mahal na mahal kita allyn , simula nang makilala kita'y di ko na maipinta ang mga ngiti ko . Ngayon kung saang lupalop man ako mapadpad tandaan mo , lagi kang nasa puso't-isipan ko.
PAALAM :'(
-------------------------------------------------------------------------------------------------------------------