"I'm the pen you're the paper. Together, lets write our own happily ever after."
Hanggang ngayon napapatingala na lang ako sa kalangitan at mapapaisip na hindi ko inakalang magiging totoo ang imposible para sakin noon. Hindi ko inakalang magiging masaya ako ng ganito at hindi ko alam na magbabago ako ng ganito ng dahil sa isang tao.
Napakasarap pala talaga sa pakiramdam na may taong nagmamahal sayo lalo na pareho nyong mahal ang isa't isa. Walang kontra walang hadlang. Akala ko hindi na iyon mangyayari eh. Una hindi tanggap ng lipunan ang mga tulad namin huhuspahan ka lang nila. Pangalawa napangunahan ako ng takot at duwag nawalan ako ng tiwala sa sarili ko totoo kapag mahal mo pala ang isang tao gagawin mo ang lahat kahit napakahirap. At pangatlo sa mga magulang ko ang hirap kasi eh namulat ako sa pamilyang balang araw magiging proud sila sakin kahit wala silang panahon samin.
Ang hirap ang dami namin pinagdaanan para maging masaya kami ng lubusan parang ngayon. Iniisip ko na ito na ang pinakamasaya sa buhay ko ang nakilala ko ang taong nakapagpabuo sa pagkatao ko. Hindi ko na kaya pa ang mabuhay kung wala sya.
"Loving can hurt, loving can hurt sometimes
But its the only thing that I know
When it gets hard, you know it can get hurt sometimes
That is the only thing that makes us feel alive..."Napatingin ako sa mga kamay na bumabalot sa aking hubad na katawan. Pagkatapos ng isang gabing inuman at kwentuhan kasama ang mga kaibigan namin. Nandito na kami ngayon sa kwarto ko.
Kahit malamig ang paligid mula sa aircon feeling ko napakainit parin mula sa aming mga magkadikit na katawan.
"Mokong lasing ka lang... Matulog na lang tayo."
"Seryoso ako sa sinabi ko Kyle."
Muli ko narinig ang pangalan ko sa mga labi nya. Kapag nasa ganitong awra sya ay totoo at seryoso nga sya. Pero kabigla bigla ang sunod na sinabi nya sakin sa kanina lang na kailangan ko tanggapin ang consequence ko sa kanya.
"I want to make a love on you tonight bunch..."
Hinawakan nya ako sa magkabilang mukha ko. Lalo ako nahihirapan huminga bukod sa nakapa ibabaw sya sakin dito sa kama ay dahil sa mga mata nyang inaakit talaga ako para sumunod sa sasabihin nya.
"Hindi ko alam ang isasagot ko pero..."
Naramdaman ko na lang ang mainit na dampi ng kanyang mga labi sa akin. Unti unti iyon nagiging marahas na parang uhaw na uhaw kami sa bawat isa. Malalim ang bawat paghalik namin at ang pagiispahan ng aming mga dila sa kanya kanyang dila.
BINABASA MO ANG
TGWMMS [SPG CONTENT]
RomancePuno ng pagmamahal. Kasing init ng mga bawat tawag ng laman. Tunay na pagmamahalan ay ang sukatan sa mga pusong sinisigaw ang bawat pangalan. "Love is not base on what is the gender but it is about what your only heart found in that person." This sp...