(A/N):If you have the song of MYMP with a title of "Kailan.." play it to better read.. :) And nga pala yung theme song ng story nito or just say ni Jayciel at nung guy.Haha
Today is September 6,wednesday.
Simula ng mga nakakaraang araw ay lagi ko ng hinahantay na dumaan yung guy,di naman mahirap sa akin na gawin yun dahil malapit yung upuan ko sa may bintana.May mga araw na nakikita ko siya,pero may mga time din na hindi.Minsan nga nakakacurious dahil pumupunta pa siya sa building ng mga STEM na strand,kaya nagtataka ako kung bakit,may tanong tuloy ako sa sarili ko kung may gf na kaya yung guy.Minsan din bigla nalang akong magugulat kapag padaan na siya,at dahil sa internal kilig lang ako magaling ,mas kailangan kong mapalipbite sa external kilig dahil baka mapatili ako ng hindi oras.At kapag may mga time na nakikita ko yung guy na iyon ng di ko inaasahan bumibilis yung tibok ng puso ko,yun feeling kapag bigla kang nagulat.Ganon ang nararamdaman ko,mas malala pa nga ata duon eh.
Sa mga lumilipas na araw,mas nahuhulog ako sa kanya,kung paano siya gumalaw .Ang astig niya kasi,pati sa paglakad.Mas kinikilig la ako kapag nakikita ko sa kanya yung korean idol ko.Minsan nga nakikita ko yung ibang babae na nakatingin din sa kanya,pero tuwing nakikita ko siya,no emotion lang lagi yung mukha niya,ang hirap basahin ,lagi pang diretso yung tingin niya.Pero sa bawat araw din na iyon,mas lalong gusto ko siyang makilala.
Sa totoo lang may sasabihin ako sa inyo .Haha.
Hindi ko maintindihan yung naiisip ko pero habang tumatagal na nakikita ko siya,feeling ko ang bilis maglevel-up ng feeling ko.I think level 7 na ngayon.Pati yung curiosity ko about sa kanya lumelevel up.O-ey man pero sa tuwing maiimagine ko sa kanya yung korean idol ko may mga pumapasok sa isipan ko,kahit alam ko naman na imposible para sa katulad ko yun.Ano yung mga yun.?Sobrang simple lang.
Gusto kong malaman ang pangalan niya,at makilala niya din ako in personal.
Kasi naisip ko lang ,first time ko magkagusto sa isang tao na hindi ko kilala,or just say yung mga nauna ko kasing naging crush ay mga kaklase ko lang din.Pero siya nagustuhan ko siya just because of the first glance when I first saw him.Astig Right?,nakakamangha...
Haha.Ewan ko lang sa inyo kung hindi na bago yung mga iyan.Pero para sa akin na ngayon lang naramdaman at naranasanyung mga weird na feelings na iyon,it's look like I'm on a fairytale.Haha.Kaya nga nagtataka ako kung bakit sa mga nauna kong naging crush ,sa kanya ko lang naramdaman yun.To the person that I don't kmow even his name,and to the person that not even know who Am I.
"Uy,Jayciel saya mo siguro dahil lagi mong nakikita si John noh?"pang-aasar ni Maureen .Napatawa nalang ako,dahil sa totoo lang wala silang alam kung sino na ba talaga yung nagpapabilis ng tibok ng puso ko.
Pero kung tutuusin may part nga sa akin na gusto ng sabihin sa kanila,kasi naman ang hirap ng super internal kilig..Haha
"Oo nga.Haha.Pero hindi rin dahil napakatamad umatend nun."sabi naman ni Rosielyn.Tama siya kaya nga siguro hindi ganon tumagal yung pagkagusto ko sa kaniya.
"Yieeeee."panunukso pa ni Camille,at nagtatawanan pa sila.Ayz.nakakainis pala kapag inaasar ka sa isang tao na hindi mo naman na talaga gusto .
"Hindi ko na kaya siya crush."napatingin naman ang mga ito sa akin.
"Haha.Weh?maniwala naman kami."sabi ni Camille.
"Hindi na nga."sabi ko pa.
"Haha.Sino na garod?"tanong ni Rosielyn,na ikanatahimik ko.Ayz.kainis sila.Umiling naman ako.
"Nako,Jayciel baka talagang hindi mo na crush si John,dahil lumala na."sabi naman ni Maureen.
"Ne.Hindi na nga."sabi ko pa.
BINABASA MO ANG
Dreaming Mr.Hearthrob (Completed)
Teen Fiction"Never force something or someone just let it be,if it's meant to be it will be"all of a sudden iyan ang kataga na itinatak ko sa puso't isipan ko,pero di ko akalaing maglalaho simula ng makilala ko siya,when I start to dream a Mr.Hearthrob like him...