Chapter 19

66K 2K 130
                                    

"Sinasabi ko na nga ba...may tinatagong baho ang mga Herrer na yan!" Galit na asik ni Daddy.

Magkatulong namin siyang pinapakalma ni tita liezel. I don't know kung saan niya nakuha ang balita but I swear it did not came from me. Hindi ko alam kung bakit kailangan kong sarilihin ang aking nalaman at itago kay Daddy. 

"So what do you want to do?" Mapanghamon na tanong sa kanya ni Tita liezel.

Medyo nainis na din kasi ito dahil hindi namin siya mapakalma. Somewhat naiintindihan ko naman si Daddy. Pero part of me was saying so what? May magagawa pa ba kung magagalit kami sa kanila? Sa kanya...kay Alec Herrer na aking asawa? Maibabalik ba ng galit namin ni Daddy sina Mommy at Brandon?

"Matagal na dapat nabulok sa kulungan iyan! Matagal na dapat naming nakamit ang justice para sa aking asawa at anak" tuloy tuloy na sabi ni daddy without even filtering it kaya naman kitang kita ko ang bahagyang pagpinta ng kakaibang sakit sa mukha ni Tita liezel.

Napangisi ito, sinusubukang itago ang pait at sakit na nararamdaman. "Mind you Arthur, kung labanan lang ng kasalanan...mauna kang makukulong kesa sa magkapatid na Herrer na yon" pangaral ni Tita liezel sa kanya.

Napahilamos ng mukha si Daddy. I feel him, nararamdaman ko din naman iyon ang kaso ay naghalo halo na ang nararamdaman ko, hindi ko na alam kung ano ang dapat kong unahin sa lahat ng iyon.

"At Arthur may I remind you...dati. Dati mong asawa" matigas at pinal na saad ni Tita liezel bago niya kami tuluyang tinalikuran na dalawa.

She has a point though, everyone has on point pero wala kaming magagawa dahil alam naming kahit kami ay kriminal din.

"Daddy..." pagtawag ko sa kanya.

Kitang kita ko sa kanyang mabibigat na paghinga ang bigat ng kanyang nararamdaman. He still love Mommy, at I salute him for that, hindi ko alam kung bakit pero deep inside me, I know that si Mommy pa din ang one true love niya.

"Mommy and Brandon will understand...kung hindi man natin makukuha ang justice, alam kong mas gugustuhin nilang hindi tayo mapahamak" pagpapakalma ko sa kanya.

With one swift move, I saw how Daddy's tears slowly fall from his eyes. And because of that ay napayakap na lamang ako ng mahigpit sa kanya.

"They will understand Dad...they will understand" paulit ulit kong pagpapaintindi sa kanya.

Days passed so fast. We are back in our normal life, if that's what you call it. Simula ng umalis ako sa Pilipinas ay hindi ko na alam kung normal pa ba ang buhay ko.

"Ma'm you have a call from the Philippines" pagpasok ng isa sa aming mga empleyado.

Hindi ko siya matatawag na secretary ko dahil hindi naman ako ang boss, anak ako ng boss na nagtratrabaho sa aming sariling companya yun na iyon at wala ng iba. I want to live very different sa lifestyle ko nung nasa Pilipinas pa ako. I want to be somehow, independent.

"Ok" maiksing sambit ko lamang sa kanya dahil busy ako sa pagrereview ng montly shipping schedule namin.

Wala sa sarili kong kinuha ang telephono at hinintay na magsalita ang nasa kabilang linya. This one is maybe our client.

Napatingin ako sa aking wrist watch. "Hello Goodmorning...This is Brenda Herrer how may I he..." hindi ko na natapos ang aking sasabihin ng kaagad itong magsalita.

"It's me...Alec" matigas at seryosong sambit nito sa kabilang linya. Halos mabitawan ko ang hawak kong telepono dahil sa aking narinig, at hindi lamang iyon, dahil na din sa lamig ng kanyang boses.

Too Young to be Married (Hard Fall Series#3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon