....,Continuation....
Before the accidentThird person's POV
Umalis na ako sa pagkakasandal sa pader at naglakad palayo hindi ko man siya nakikita ay alam ko kung nasaan siya dahil sa seal na nailagay ko nung una akong magpakita sa kanya.
Dumeretso na ako sa bahay nila at sumampa sa malaking puno malapit sa bintana ng kwarto niya.
Nadudurog ang puso ko sa tuwing nakikita siyang umiiyak pero wala akong magawa kundi tanawin siya mula sa malayo.Papalubog na ang araw ng maalimpungatan ako dahil sa pagtunog ng kanilang gate. Nakita kong papalabas na siya kaya kagaya ng dati ay sinundan ko siya. Base sa paglalakad niya ay parang wala siya sa sarili kaya kinutuban na ako.
"Hey handsome! Saan ang punta mo gusto mo bang sumama sa amin." Sabay sabay na napahagikhik naman ang kanyang mga kasama hinarang lang naman ako ng mga estudyanteng nakatambay sa dinaanan ko.
"No thanks I'm in a hurry." Tanggi ko at nagpalinga linga shit! Nasan na iyon.
"Ang sungit mo naman ikaw na nga ang niyayakag dyan eh." Sabi nanaman ng babaeng nakaharang sa dadaanan ko.
"Look miss I have no time for this bullshit!...if you don't want me to break your neck then don't block my way!" Nasindak naman ang mga ito at sabay sabay na nagtakbuhan. Tumakbo narin ako upang hanapin si Yelena masama ang kutob ko sa mangyayari.
Tumakbo lang ako ng tumakbo hanggang sa makarating sa tulay nagpalinga linga ako sa paligid, ng magawi ang paningin ko sa may tubig maliwanag ang buwan kung kayat malinaw kong nakikita ang babaeng unti unting lumulubog sa kailaliman ng tubig.
"Shit! You stupid girl!"
Dali dali akong tumalon upang sagipin siya malamig ang tubig pero hindi ko na yun pinansin dahil mas importanteng masagip ko ang babaeng unti unti ng pumipikit ang mata.
"Yelena" pagtawag ko sa kanya sa isip. Hinawakan ko ang mukha niya at hinalikan siya sa labi habang bumabanggit ng orasyon sa aking isipan.Nagliwanag ang paligid kasabay ng pagbukas ng portal. Napangiti nalang ako sa wakas maisasama narin kita sa lugar kung saan magiging akin ka.
BINABASA MO ANG
SEVEN PRINCE OF HELL(the Seven Deadly Sins)
Fantasia#Fantasy "Hindi man ako anghel pero asahan mo na palagi akong nakabantay sayo...Yelena" Isang babaeng may masaklap na buhay ang mapupunta sa mundo na walang kahit na sino ang gustong makapunta. An accident that will change everything. Let's find out...